Chapter 5
Jillian’s POV
Puyat, pagod at gutom. Ngarag na ako. Madaling araw na rin ako natapos kagabi dun sa article ko, hindi pa edited yun. Draft pa lang siya tapos may klase pa ako ngayong araw at meeting mamaya. Ano ba!
Saan ba makakabili ng pahinga?
Kinuha ko yung phone ko para itext si Mitch.
Bestfriend, nasan na yung inyo? Dito ako library, padala naman please kahet draft lang.
After few seconds, nagvibrate yung phone ko. Si Mitch, nagreply.
Sure. Wait lang. May ginagawa pa kasi ako. Sorry.
--
Habang hinihintay ko siya nagbasa na ako ng libro, may exam kasi sa last subject eh. Buti na lang at may break, ngayon lang ako makakapag review. Kapag ako nangamote mamaya, patay talaga.
Mukha na ba akong nerd? Dame kasing libro na nasa harap ko e. Feeling ko tuloy naglo-law ako.
Mga after 30 minutes dumating na din si Mitch, agad naman siyang umupo sa vacant seat.
“Eew Althea! Eye sacks ba yan?”
Inalis ko yung kamay niya sa mata ko. “Wag mong pansinin, shy type sila.”
“Oh, eto na oh,” sabay abot niya nung folder.
“Di ko na to iba-backread ngayon ah, next time na.”
“Sige. Andiyan na lahat.”
“Sige,” sagot ko habang linalagay sa folder yung bigay niya.
“Ano pasok na tayo?”
“Hindi ba nagtext si Sir? Baka naman may plano siyang hindi pumasok.”
“Asa. Mas masipag pa sa kalabaw yung si Sir, wag ka na nga diyan. Tara na baka malate pa tayo.”
Kahit na masama pa rin ang loob ko, nagpack up na ako ng gamit ko atsaka na kami pumasok sa klase. Mukha akong zombie dito, Logic pa naman to. Buangan lang, tama na, sasabog na utak ko. Utang na loob.
--
Mitch’s POV
Anyare naman sa bestfriend ko? Mukha siyang na rape ng sampung bakla sa look niya, can’t blame her naman. Ganun talaga kapag nag-aaral, nakakastress, it’s normal.
We had our test sa Logic tapos kru kru lang. Saang part sa outerspace naman kaya kinuha ni Sir yung mga questions dun?