Chapter 12 Red

20.7K 109 15
                                    

Chapter 12

Jillian’s POV

Loading . . .  

Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita. 

“I'm waiting for an answer,” hayag niya. 

“Eh?”

“Psh. I’m asking you to marry me,” he stated as he gently caressed my face.

I ignored the stare he was sending my way. I sighed heavily hoping he’d just let it go. 

 “Hey.” He arched a brow.  

“Cyrus . . . kasi . . .” 

“No worries, hihintayin ko yung sagot mo. Hindi naman ako nagmamadali. Ang mga bagay na ganun hindi naman minamadali, di ba? Tsaka mag-aaral muna akong mabuti para sayo. Tapos kapag kaya na kitang buhayin, papakasalan na talaga kita, kahit ayaw mo pa,” nakangiting sambit niya.

“Kasi naman e! Ginugulat mo ako! Halos atakihin ako sa puso, bakit ka kasi naman ganun makatanong?”

“I’m just laying down my intentions. I’m planning on spending the rest of my life with you, are we on the same page?” sambit niya. Umurong na naman ang dila ko.

“I really want to marry you.” seryosong dagdag niya. 

“I hate you!” 

“Bakit?” Kumunot na naman ang noo niya. 

“Wag mo akong tatanungin kung gusto kitang pakasalan, idiot! Baka mamaya mapa-oo mo ako ng hindi oras! Sira ka! Nakakainis ka!”

“Hindi kita hinintay ng ganito katagal para lang makasama kita ng sandalian, gusto ko pang habangbuhay. Bata pa lang tayo sabi ko sayo papakasalan kita di ba? Tanda mo pa ba?”

I nodded. Makakalimutan ko ba ‘yun? Syempre hindi!

“Kahit kelan, kahit saan, kahit anong oras, sa kahit ano mang panahon o pagkakataon, kapag tinanong mo ako kung pakakasalan ba kita, laging oo ang sagot ko. Hindi yun magbabago.” I assured him. Namula ang kaniyang pisngi dahil dito. 

“Nakakainis ka. Kinikilig ako,” nakakalokong hayag niya.

Susuntukin ko sana siya sa kaniyang dibdib pero sinapo niya ang aking kamay. “Cyrus, natatakot ako. Wag mo kong iiwan ah.”

Inalis niya yung yakap niya sa akin tapos binatukan niya ako. “Aray! Bakit mo ba ako binabatukan? Nakakainis ka naman e!” reklamo ko.

“E kasi naalog na yung maliit mong utak! Ikaw pwede pang iwan mo ko, pero ako? Tss. Asa.” 

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon