Chapter 30 Beat that!

15.9K 129 30
                                    

Chapter 30

Jillian's POV

Ngiting ngiti ako pagpasok ko pa lang ng gate. This madness is getting into me. I love the idea of being such a brat.

Oh, when it comes to Ran, I wouldn't mind. No big deal.

I walked past by many students, karamihan mga freshmen. I could tell, they're reading books kasi. Kapag talaga mga unang taon sa college todo aral ka, pero kapag patapos ka na, todo dasal ka na. Mapapadasal ka talaga sa sobrang hirap, tapos minsan yung mga grades mo dapat gayahin ang ginawa ni Jesus, dapat ding magresurrect.  Buti hindi ako dumaan sa ganiyan. Kahit naman medyo happy go lucky ako, nag-aaral naman akong mabuti, hindi lang talaga halata.

Dumaan muna ako sa Office, bibisitahin ko lang sina Aicelle na naglalamay sa madaming paper works. Sila kasi ang assigned for the August issue, ako naman sa September issue. Sabi ko nga sa kanila, para makatipid sa idea at pera for researches, buhay ko na lang ilalagay ko dun. Since birthday month ko naman 'yon, kaso ayaw nila pumayag! Mean!

"Hey," cool na bati ko kay Aicelle.

"Don't hey me," mataray na sagot niya sa akin. Kahit kailan talaga ang maldita ng isang to. Kung ako pabloom pa lang yung kamalditahan, yung sa kaniya namumulaklak na, nasa Dangwa na yung iba.

"Matandang dalaga ang peg?" I kid. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ko yung ginagawa niya. "Sino nag-edit?" tanong ko while scrolling down the pages. Na-amaze kasi ako sa construction ng words, ang galing masyado. Yung hindi marami ang highfalutin words pero very informative and interesting.

"Sino pa ba? The Almighty Nick."

And after niyang sabihin 'yun, as if on cue, biglang pumasok si Nick sa office. His brown hair is kind of messy, but in a cool way. Para siyang bagong ligo tapos pinatuyo niya gamit ang tuwalya then hindi na siya nagsuklay. He's wearing eyeglasses, hindi malabo ang mata ni Nick, so sure walang grado yun. White yung pants niya then plain gray shirt yung top. Pero bakit? Bakit dalang dala niya yung suot niya? Ang simple lang yet ang cool sa kaniya. Ang gwapo gwapo niya, it hurts. 

"Ehem," pagpaparinig ko.

"JAH," medyo gulat na untag niya. Tinignan niya akong mabuti as if napakaunusual na andito ako.

"Long time no see's actually enough," I said snapping my fingers in front of him.

"You sure missed me. I could judge by the way you just drooled a while ago," he grinned.

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Hinampas ko siya sa balikat tapos kinurot ko yung ilong niya. "I'm glad you didn't fart. Too much air, bro."

Tumawa siya at ginulo yung buhok ko. "I miss you too," nang-aasar na sabi niya sa akin.

"Get a room, guys!" Aicelle yelled at us. She rolled her eyes tapos tinalikuran kami.

"Bad mood, eh?" tanong sa kaniya ni Nick.

"Yes with a capital Y," iritableng sagot niya. "How about you?"

Bumuntong hininga siya. "Still alive but barely breathing."

"Ikaw na The Script," natatawang sabi ko sa kaniya.

"Weh?" pambabara niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Joke lang," sabi niya at inalog niya ng kaunti yung balikat ko.

Sinapok ko yung noo niya. "Tss."

In fairness, namiss ko si Nick. Namiss ko yung ganito kami, cool lang. Walang tension sa pagitan namin, yung katulad ng mga panahon na bagong kilala pa lang kami. Katulad ng bago sirain ng feelings yung relasyon naming dalawa.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon