Chapter 7
Nick’s POV
Wala naman akong asthma pero bakit parang hindi ako makahinga?t
Lumabas ako saglit para magpahangin, ang sakit isipin na nasasaktan parin ako. Hindi ko matanggap yung response ng puso ko sa mga ganitong bagay. Parang di nako nasanay. Tss.
Naupo ako sa bench sa labas ng gym, magpapahangin lang ako.
Ganun pala talaga no? Kahit na gaano na ako kasanay na nakikita ko silang dalawa, masakit pa din. Ni hindi man lang nabawasan kahit konti yung sakit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Ayokong maging selfish pero kahit na pilitin kong maging masaya para sa kanila, alam ko sa puso ko na hindi naman talaga. Masyadong komplikado, sobra pa sa inaasahan ko. It’s so good to love someone so much it hurts.
Kanina pa yata ako tulala kaya nang magbalik ako sa reyalidad, may nakita na akong babae na nakatayo at nakatitig lang sakin.
“Anong meron? U.F.O or something?” tanong niya habang tila ba nawiweirduhan siya sa akin.
Natawa ako sa tanong niya. “Wala,” sagot ko naman.
“Pwede ba akong maupo?”
“Siguro? Not unless may nakasulat na ‘Do not sit’ sa particular side ng bench na to,” sarcastic na sagot ko sa kaniya.
Umupo siya sa tabi ko. “Teka Nick, bakit ka nasa labas?”
“Kasi wala ako sa loob?” pampipilosopo ko sa kaniya.
She mockingly laughed. “Nice one. Very good,” sarcastic na sabi niya.
“Joke lang Mic . . . Den, ano ba itatawag ko sayo? Ang labo e, dame mong pangalan.”
“Miichaa o Denise, kahit ano pa ‘yan. Kahit nga tawagin mo kong ‘Maganda’ okay lang eh.” Kinindatan niya pa ako. Napakamaloko talaga ng taong to. Pero wala pa ring tatalo kay Jillian.
“Ewan ko sayo.”
Hindi na siya umimik at tumingin din siya sa direksyon na tinititigan ko. Si Miichaa, siya yung kasama namin sa prod dati. Naging classmate ko siya sa isa naming subject, transferee nga kasi ako dati.
“Oh!” alok niya.
Lumingon naman ako. “Ano yan?”
“Uhm . . . energy drink? Pero pwede kong magic-in at gawing boomerang tapos tatama sa ulo mo. What do you think?” She wiggled her eyebrows.
“Mas pipiliin kong energy drink na lang siya.”