Chapter 31
Jillian's POV
“Ikaw na siguro ang pinakamalanding lalaki na nakilala ko,” naiinis na sabi ko sa kaniya. May kasama pang batok yun.
Napahawak siya sa binatukan kong parte.
Tinignan ko siya ng masama, nakangiti kasi siya eh. Yung ngiting nakakaloko. Mas linaliman ko ang mga tingin ko sa kaniya and within a sec, ang o.a ng outburst ng tawa niya. Walanjo talaga ang lalaking to.
Sinampal ko ng mahina yung mukha niya.
“What?!” he asked, shocked.
“Wala. Ang panget mo!” palusot ko. I became indifferent. I couldn’t even look straight at his eyes. Oo na, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.
Katatapos lang ng practice namin at natanggap ko na lahat ng panunukso sa mundo. Anobayan! Nakakainis talaga ang kalantudan ng lalaking ito. Stress to the nth power!
“You’re really funny when you do that.” Kinurot niya yung pisngi ko.
Inalis ko yung kamay niya. “Do what?” I raised my eyebrow. Irita.
“Yung pagiging weirdo mo kapag kinikilig ka. Para kang autistic,” he laughed.
What the?!
Kinagat ko yung labi ko sa inis! “Hindi ako kinikilig!” Pagdedeny ko.
“Liar!” napa-tsk pa ang mokong.
“Pwede ba! Wag ka nga masyadong feeler diyan, Trenton. Please lang ha, as if bago pa sa akin ‘yang mga ganiyan. Geez! Duh lang. Duh talaga.” May pandidiri pa akong nalalaman.
“Is it too hard to admit that you’re madly in love with me?”
“Magkape ka nga! Baka sakaling manginig ka,” I rolled my eyes. He laughed.
Bahagya niyang ginulo yung buhok ko. “You and your pride. Unbelievable.” He shook his head.
“Whatever you say.”
Sa gitna ng pag-aaway namin. Lumapit si Mitch sa amin. “Guys, DC tayo. Gusto ko ng Espressssooo!!”
Espresso? Naalala ko tuloy si Ran. Infairness namimiss ko ang pagsusungit sa akin ni Keroro. Bwahaha.
“Hoy!” bulyaw sa akin ni Cyrus. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Baket ka ba nakabulyaw diyan?”
“Bakit ka tumatawa kasi mag-isa?”
“Walang basagan ng trip, pwede ba?”
“Hep! Mammals, bago pa kayo magsapakan, tara na! Dali naaaaa! Nagke-crave talaga ako ngayon,” pangungulit ni Mitch.