Chapter 26 Backfire!

16.2K 100 13
                                    

Chapter 26

Jillian’s POV

“Tignan mo! Tignan mo!” paulit-ulit ko siyang sinisisi dahil napagkamalan kaming mag-jowa. Oh please!

“Shut up! You’re really pissing me off, woman! Try to zip your mouth and stop all the nonsense!” bulyaw niya sa akin.

Aba! Aba!

Ah ganon ha! Paghakbang ng Lola ng kaunti, nakaisip ako ng plano! Malupit to!

“Paano na lang ang pinagbubuntis kong to? Iiwan mo na naman sa akin ng ganito na lang? Ha! Kung wala ka palang planong panagutan ako, sana hindi na lang natin ginawa ang bagay na iyon! Sabi mo mahal mo ko! Walang hiya ka!” pagdadrama ko kay Ran.

Napabalik si Lola sa amin. Tapos nakatingin na yung mga tao sa tabi namin.

Umiyak ako! As in! Hah! Ano pang silbi ng drama class namin? Dapat ina-apply ‘yan.

I didn’t allow a single syllable to come out from his rude mouth. I played some drama again.

“Akala ko noon iba ka! Akala ko noon mahal mo talaga ako! You played with me! Ginamit mo ang kahinaan ko! Sabi mo noon sa akin gagawin mo ang lahat, pero bakit ngayon ako na lang mag-isa? Sinuway ko pa sina Nanay para sayo pero ganito lang ang isusukli mo sa akin?!”

“What?” nanlalaki ang mga mata ni Ran.

“Ay grabe naman! Gwapo nga manyak naman!” galit na komento ng katabi namin. Mehehe!

“Paano na ako? San ako kukuha ng pambili ng gatas? Wala ka na ngang masustento sa amin nambabae ka pa! Grabe ka! Grabe ka! Walang hiya ka talaga!”

“Hoy kuya! Ikaw! Hindi porket gwapo ka mambababe ka na agad! Ang ganda ng asawa mo tapos ipagpapalit mo lang siya?!” sabi nung isa. Hoy ha, ang ganda ko daw. Well.

“Wag ka ngang iresponsable!” sigaw ni Lola sa kaniya tapos humarap siya sa akin. “Hija, tahan na.”

“Kaso po, naawa na po ako sa anak namin. Hindi namin deserve ang ganito. Akala ko mahal niya ako,” pagdadrama ko pa. Lord, sorry na! Huhu! Hahahahaha! Pero natatawa talaga ako.

Kinukuyog na si Ran ngayon! Mehehe!

“Don’t touch me! This woman’s just trying to make up some stupid stories! Get off me, freaks!”

“Wow! English!” sabi nung isa.

“Heh! Tigilan mo kami! Bwiset talaga kayong mga lalaki! Mga manloloko!” sigaw niya at hinampas niya si Ran. Anla! Mali ka, may matino pang lalaki. Tama ka, bwiset si Ran! Go!!

“Bakla! Wag kang mandamay! Kailangan ibubuhos yung panloloko ng jowa mo sa pambabae sa jowa ng may jowa?” sabi nung kaibigan niya sa kaniya.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon