Chapter 18 Common Denominator

18.5K 92 17
                                    

Chapter 18

Jillian's POV

Badtrip! Nakakainis talaga ang Oso na to! Kung kaya ko lang siyang sipain, gagawin ko na. Oh Lord, bakit ba ganito siya ka-nakakainis?

"Hoy pengs, wait!" paghabol niya sa akin habang nasa TS kami.

"Ayaw ko! Umuwi ka na nga sa inyo," sagot ko sa kaniya.

Pauwi na kami ngayon galing sa panunuod ng Film.

Mas binilisan ko ang lakad ko. Okay fine, aaminin ko na nahurt talaga ako sa sinabing yun ni Ran, I mean he could have pretended that we're friends but no, he chose to deny me. That was ouch! Di ba, not friends like really friends but just being with him for like how many days. And yeah, acquiantance siguro tawag dun pero ugh! Nababadtrip ako sa kaniya.

Tapos ginatungan pa nung isa, duh! Masakit yun, pwede namang um-oo lang siya, right? Grabe siya! Naloloka na talaga ako sa lalaking deaf and mute na 'yun! Err.

"Oy, sorry na kasi," hinigit niya yung kamay ko.

Inalis ko naman yun at tinignan siya, "Nakakabadtrip ka kasi e, akala mo ba nakakatawa yun?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"Hindi na nga e, sorry na kasi," may paawa pa yung boses niya, "ikaw naman, hindi ka na ma-joke e. Sorry na kasi, di mo na ba ko mahal?"

"Yuck Cyrus ah, umayos ka nga. Ano ka highschool?"

Tapos bigla siyang umiyak, hala siya! "O-oy! Cyrus, wag ka ngang O.A!"

"Sorry na kasi, mapapatawad mo pa ba ako?" humikbi pa.

Napakamot ako ng ulo ko, "Oo na! Nakakainis ka," nauutal na sagot ko pa sa kaniya.

Tapos bigla siyang nagpunas ng luha, "Effective talaga ang drama class," naka-grin pa siya.

Tinignan ko siya ng masama, "Tignan mo! Pinagtripan mo na naman ako, may paiyak-iyak ka pa. Drama mo lang 'yun no?"

"Syempre. Para naman umiyak ako sa bagay na yun, e nakakatawa nga yun e."

May dapat pa siyang sasabihin kaso masama na yung tingin ko sa kaniya, "Oh joke lang. Seryoso na nga ako dun," nakaharang pa yung mga kamay niya sa dibdib niya kasi naka close fist na ako and in no time makakatikim siya ng sakit ng katawan mula sa akin.

"Sige na. Pinapatawad na kita. Basta wag kang epal."

"Oo na. Bawi ako sayo, libre na kitang Churros gusto mo?"

Naglakad ako palayo sa kaniya at palapit dun sa stall ng Churros, malapit lang kasi e. "Ang tagal mo naman maglakad, gutom na ako," bulyaw ko sa kaniya ng makapunta na ako sa Churros.

"Wait, excited?" saka siya dali daling tumakbo papunta sa akin.

Hay, bakit ba lagi na lang akong naakit ng mga pagkain? Nagiging gullible tuloy ako. 

Nang malamon ko na lahat ng Churros e maligayang maligaya akong naglakad pauwi. Ang saya talaga! Bakit ba may mga pagkaing kaya kang pasayahin? Kaya sa mga single diyan, magjowa na lang kayo ng pagkain.

"Hoy teka lang!" tawag niya sa akin.

Humarap naman ako, "Oh bakit?"

"Hintayin mo naman ako."

"Wag na, umuwi ka na sa inyo."

"Bakit?"

"Malamang kasi gabi na."

"Grabe ka talaga, linibre lang kita tas di mo na ako papansinin? Tss."

"Eh ano pa ba gagawin mo?"

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon