Chapter 29 Wicked!

15.6K 99 20
                                    

Chapter 29

Jillian’s POV

*Week later*

“Wow! Ang galing mo na!” puna ko kay Princess pagkatapos ng guitar lesson namin.

“Really, Ate?”

“Oo naman!” tumingin ako sa may kabilang sofa. Andun naman si Ran at mayroong binabasa na article tungkol sa Photography. Napakaseryoso ng mukha niya. Hindi ba marunong ngumiti ang halimaw na ‘to? Tapos kanina pa namin siya dinadaldal ng kapatid niya, ang lagi niya lang sinasabi sa amin ay “Shut up!”

Heh! Siya na nga ang ubod ng tahimik diyan! Nakatakip sa mukha niya yung binabasa niya tapos nakadekwatro siya. Sobrang serious niya pero natatawa ako kaya palagi ako natitingin sa kaniya. Paano kasi nasa lap niya yung stuff toy na kero-keroppi. This guy is really funny.

“What are you staring at?” he asked. Mukha naman siyang disgusted sa nakita niyang expression ko.

“Never thought having the ability to look at someone is now considered a sin,” my answer laced in sarcasm. HA! Sumasagot na ako ngayon, noh. Medyo pa lang. Behave pa ako ng konti, mahirap na eh. Kakaibang halimaw ‘tong si Ran eh.

“Tss. Freak,” he ignored my remark then he focused on the thing he’s reading.

Nagmake face ako paglingon ko kay Princess.

“Ate, why is that you and Kuya are always having a fight?” she asked while looking at Ran’s direction.

“Kami? Hindi ah. Masyado lang talagang deeply-rooted ang friendship namin,” nakangiting aso pa ako. Geez. Let me barf for one second.

“Wow! You really are good friends! Gusto ko din po magkakaibigan na ganiyan,” tuwang tuwa pang sabi ni Princess.

“Of course. Balang araw makakakilala ka rin. Kagaya ni Ran, sobrang exceptional, preternatural, unwonted friend,” nakahawak pa ako sa dibdib ko as if seryoso ako sa sinasabi ko. Grabe, iluluwa ko lahat ng sinabi ko mamaya.

“Aww! Ate, ang sweet mo.”

Ngumiti lang ako sa kaniya. Minsan talaga lumalabas ang kaplastikan ko at kamalditahan ko. Kapag si Ran ang kasama ko, para bang awtomatikong nagte-turn on yung mga major mischievous switches ko. HAHAHAHA!

“Get a life, you two!” he yelled at us, fuming with madness. Tumayo siya at binato sa amin si Keroro, pangalan yan ng stuff toy niya. Weird, ang gay masyado na may pangalan pa siya sa stuffy toy niya. Like duh, siguro bading tong si Ran. Hahaha. The idea of liking a frog is really eerie. Sabihin niyo nga! Sino ba ang mahilig sa palaka!!! Kakaloka ‘yan. Napakaexceptional talaga ni Ran, note the sarcasm here.

I really am such a faultfinding freak. Hahahaha. Never been as proud as this.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon