Chapter 3
Jillian’s POV
“Aray! Bakit ba?!” reklamo niya matapos ko siyang sabunutan.
“Umayos ka kasi kung ayaw mong masaktan!” I warned him.
“Maayos ang sinabi ko, ikaw ang magulo.” He shrugged.
“Aba! Sasagot pa ‘to!”
“And why not? Sayang naman ang gandang lahi na mabibigay ko kung hindi mapapasa sa ibang henerasyon, di ba?”
Inirapan ko siya. Wow! Can’t he get any cockier than this? “Seriously? Nabura na ba sa bokabolaryo mo ang salitang pagpapakumbaba?”
He laughed because of my annoyed expression. This dork!
“Umuwi ka na nga sa inyo!” pagtataboy ko sa kaniya.
Tinignan niya ako ng masama, pero hindi ako nagpatinag. Natalo ko siya kaya kinuha niya sa bulsa niya, linahad ko ang kamay ko para makuha ko ‘yun.
“Saksak mo sa baga mo,” pikon na sambit niya.
Tinago ko ito. “Salamat nga pala ah. Kahit na laging ang aga ng gising mo ni hindi kita narinig na nagreklamo. Thank you, Duck,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
Salitan kasi kami mag-alaga kay Cyril. Ako sa gabi at siya naman sa umaga. Kaya may duplicate key siya para kinaumagahan, hindi na niya kailangang kumatok. Minsan din nagugulat na lang ako pinagluluto niya rin ako ng breakfast ko.
“Things you do for love, right?” He chortled.
I laughed. “Amen again.”
--
*School*
Pagdaan ko sa lobby, madame akong nakitang students na nakatambay. Forever adjustment period ang peg ng mga ito, ganern?
“Jill!” tinig ng isang lalaki.
Liningon ko kung sino ‘yung tumawag sakin.
“Oh, Renz,” walang lakas na sambit ko.
“May nahanap ka na ba?” agad na tanong niya sa akin.
I became dispirited. “Wala pa, e.”
“Samahan ka namin sa weekend gusto mo?”
“Sige kapag walang pauso ang mga Prof.” I rolled my eyes then shrugged. Talks about projects, you know.
