Chapter 78 Gravity

3.6K 94 42
                                    

Chapter 78

Siguro may ten minutes din akong nasa labas para magpahangin. Pakiramdam ko kasi sasabog ako ng wala sa oras kaninang nasa harap ako ni Miss Han kaya kailangan ko munang lumayo sa kanila. Tumambay lang ako kung saan wala masyadong tao. Suffocating ang environment dito. Hindi naman ako claustrophobic or what. Sure, I usually feel uncomfortable when I'm hemmed in with this kind of event. But this one's different. And I'm sure enough that this is not because of the performance jitters. Gusto ko na lang matapos ang gabing ito. Gusto ko ng umuwi at yakapin si Pinggu. Siguro bago ako matulog, babawi na lang ako ng saya sa panunuod ng All Time Low live in Manila 2015 sa YouTube—kahit na pakiramdam ko palagi kong tinotorture ang sarili ko dahil na-missed ko ang event na 'yun. I'll be forever rancorous about that. Mabuti na lamang at nandoon sa concert ang pinsan ni Japh, pulp royalty! Sa kaniya ako nakakuha ng fangirling stuff. Nandoon din siya sa meet and greet at binigay niya sa akin ang signed Future Hearts album. Such a good heart.

Nakatingin ako sa langit nang mag-vibrate ang cellphone ko. It was Nick.

Pwede ba akong lumapit?

Kumunot ang noo ko. What does he mean by that? Naguluhan ako, pero lumingon ako sa likod. He was there. Leaning at the wall, holding his phone.

"What are you doing there? You look like a prowler. Tigil mo nga 'yan," suway ko sa kaniya. Kung makatingin kasi siya daig pa niya si Pablo Martinez sa mga assassination schemes.

"Hindi mo pa kasi ako pinapalapit. Ang tagal mo mag-reply," reklamo niya at ngumuso sa cellphone ko. Oh, Nick, you're such a baby.

"Ano ka, vampire? Kailangan ng permission bago makapasok?" Tinaasan ko siya ng kilay.

He laughed. "I thought you don't like Twilight?"

"Eww, Nick!" I uttered aloud with a disdainful expression on my face. "Kailan ka ba pinanganak? Napanuod ko 'yun sa TVD. Hindi ba at ganoon 'yun? Hindi nakakapasok si Damon sa isang bahay na hindi siya pinapayagan. Parang kailangan, technically, i-welcome muna siya, and then, poof!" I stopped when I realized I was talking too much. "Sorry." I kept my stupid mouth shut. I was so embarrassed for speaking gibberish.

He drew himself closer. "Anong nangyari?" he asked. I am not looking at him, but I can see from my peripheral view that he's waiting for me to return the stare. But I can't give him that. Alam naman niyang mahina ako sa ganoon. Kapag tinitigan na ako sa mata, hindi na ako makakapagsalita. Sabi sa akin dati ni Mitch, hindi daw kayang magsinungaling ng mga mata ko. That's why I hate eye contacts, and body, too.

"Wala namang nangyari. Busog lang ako kaya kailangan kong tumayo para agad bumaba 'yung kinain ko. Mahirap na. Medyo fitted pa naman 'yung damit ko." I faked a laugh. Great, Jillian. Para kang hangal diyan sa ginagawa mong 'yan.

"You call yourself a writer but you can't come up with a better spiel than that?" he asked. Thanks for not buying my lame excuse, Nick. I'm flattered.

Inayos ko ang aking bangs. Sinuklay-suklay ko ito para may mapagtuunan ng pansin ang mga nanginginig kong kamay. "Why? You want me to word play you?"

He scratched the back of his head and sighed. "That's not what I'm talking about." Binaling niya ang tingin sa akin. "It's just that, I know you so well. So, bakit ka nag-walk out? What happened?"

Lumunok ako at suminghap. "Pain happened, happy now?" Umiling ako. "The mere fact that I'm hearing his voice is crazy. Noong nakita ko siya, okay lang naman. May sakit, pero hindi pa masyadong nagsi-sink in. Pero kanina, noong kumakanta na siya, naalala ko na naman lahat. Labo, 'no? Medyo mabagal ang pacing ko pagdating sa forgetting stuff na 'to. Pasensya naman. Kaso alam mo 'yun, nakakapikon, eh. So, ganito na lang ako habang buhay? Araw-araw kong papatayin ang sarili ko kapag nakikita ko siya?" I wiped my tears using the back of my palm.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon