Chapter 9
Jillian’s POV
Handa na yung mga gamit ko, konti na lang yung ililipat kasi yung iba nasa unit ko na. Tumingin ako sa paligid, I will surely miss this place. No doubt.
Binuhat ko gamit ang right hand ko yung kahon ng mga books, may straw naman na nakatie kaya di naman ako hirap. Pang ilang box na to, seryoso napansin ko lang mas madame pa ang libro ko kesa sa pairs ng damet na meron ako.
No time for dramas, this is too much. Sinara ko na yung pintuan.
“Ako na diyan,” saad ng isang lalaki. Tinignan ko, si Nick pala. He is wearing a ragged pants, with a plain top na may nakalagay na “NERD”
Err. Why does he have to be this handsome?
He looks so freaking good it hurts. Wait lang, di naman masama maka appreciate ng hotness diba? Este ng kagwapuhan. Bakit ba kasi hindi maitatago ang kagandahang lalaki ng isang to? Pwede bang ibalot niya ang sarili niya ng veil tas wag siyang magpakita sa akin?
“Nope, sige na ako na dito. Hindi naman gaano kabigat e,” weew! Hindi daw e puro hardbound na books ang dala dala ko. Bakit ba ang martir ko? Eew.
“Sure ka ba?”
“Hindi, baka 50-50 lang,” pilosopong sagot niya sa akin.
Tumawa naman siya. “Ano ka ambulansya?”
“Ano ka corny?” sagot ko naman. Haha! Papatalo ba ako?
“Okay fine. You win,” sabi niya tapos may pairap irap pa siyang nalalaman.
Tumawa lang kaming pareho tapos bumaba na kami ng hagdanan. Nakita ko si Ate Nadine, sa tabi niya ay yung baby niya na sobrang cute. “Hi baby na mas cute lang ng konti sa akin,” sabi ko sa kaniya then kiniss ko siya.
“Konti lang?” sabat naman ni Nick
I gave him a shot. “Kokontra pa?”
“May sinabi ba ako?” then naging indifferent siya.
“Anyways, Miss Nadine, eto na po yung keys ng bahay. Lahat ng bills ko bayad na, so I’m cleared. Pwede tumambay minsan?” I pleaded.
“Not unless willing kang mag-baby sit,” sagot naman niya.
“I’m more than willing but I’m afraid na KJ si schedule.” Talks about busyness.
“Biro lang. Sure anytime,” sabi naman niya.
Napangiti ako sa sinabi. Pinagmasdan ko yung paligid. Nalungkot ako bigla pero I composed myself para hindi gumawa ng self-inflicted drama ko dito.