(A/N: This chapter was updated on May 28!--HAPPY BIRTHDAY CYRUS!)
Chapter 19
Jillian's POV
"Princess, teka nga lang. Kung mayaman naman pala kayo, e bakit andun ka sa Charity?" tanong ko sa kaniya pagkatapos kong inumin yung milk shake na handa ng mommy niya.
"Kasi po, sponsor po dun ang family ko. Tapos yun po ang birthday wish ko sa kanila dati na makasama ako kahit saling ketket lang ako. Wala po kasi akong kakilala e, tsaka gusto ko din maexperience. Makakilala ng ibang mga ka age ko na talented."
"Eh? Talaga? Ang cute naman nun," amaze na amaze na sagot ko. Hoy bihira lang kasi yung mga may kaya, scratch that! Mayaman na willing gumawa ng mga charitable works, at imagine at her young age alam niya na yung mga ganun. Di ba? Ang bait naman ni Princess, buti pa siya. Bakit kaya si Ran hindi? Tss.
Binitawan niya yung hawak niyang baso at lumapit sa akin.
"Ate, bakit nga po pala kayo yung nagtuturo sa akin? Paano po kayo nagkakilala ng kuya ko?"
"Wag mo na itanong Princess, mas malala pa ang storya namin sa pinakanakakabwiset na story na napanuod mo. Kasing creepy siya ng isang multo na natatanggalan ng balun-balunan tas kinakain ng scarecrow at pinaglalamayan ng mga booby birds," sagot ko.
"Eh? Ano po?"
"Di ba ang gulo?" tanong ko, nag nod naman siya. "Kaya wag mo ng itanong, hindi mo kakayanin, baka maiyak ka."
"You're really funny Ate, di ka na po nagbago, ang kwela niyo pa din," comment niya. Joke ba ako? Tss. Di ko alam kung maiinsulto ba ako or what sa sinabi niyang yun.
Pagkatapos naming mag-usap at kumain at magpahinga. May dumating na anghel sa lupa.
OMG!
Palapit siya ng palapit sa amin, para bang slow motion yung paligid tapos babatukan ko ang sarili ko kasi ang landi ko. Kdie. May boyfriend ka Jillian, so back off!
"Hi Princess," tawag niya kay Princess tapos dali dali namang tumakbo at yinakap siya. Ako din payakap!
Nang medyo may katagalan na, tumingin siya sa direction ko.
Para bang kinikilala at inaalala niya ako. Please do remember me!
"I think I saw you before," sabi niya sa akin.
"Yep, kuya! She was my teacher back then. Isn't it cool? She's ate Jillian!" sabat ni Princess.
"Ah I see, I do remember. Last time I saw you was when you're with your boyfriend right?"
"OMG! Nosebleed!" agad na bulalas ko. Tapos natawa siya. Luh! Ang cute naman niya. Kdie. "Sorry," paghingi ko ng pasensya. Ba yan, kasi naman e. Di ba sila marunong mag Tagalog? Sakit sa Mammary glands e.
"Clyde," tawag ng isang tao mula sa likod.
Syempre, sino pa ba edi si Ran. And yep, si Clyde, yung lalaki dati na nakita namin na kasama ni Princess. Yung pinsan niya.
"Bro," sagot naman ni Clyde. Buti pa to friendly.
"What brought you here?"
"Boredom?" sagot na instant tanong din. Luh, di sure? Ang kwela pala nito e. Haha.
"Ah, I'll show you something," yaya niya kay Clyde paakyat.
Tapos si Clyde nagwave sa akin. Ee! One point! Hahaha.
Si Ran naman, walang puso pa rin. Umalis lang paakyat. Tss.
"Anong gagawin nila?" tanong ko kay Princess.