CHAPTER 24
Halos isang linggo na ang nakalipas simula ng nagswimming kami. Pare-pareho kaming naging abala sa school lalo na't last year na namin ito sa Senior High School.
Simula noong nag-overnight kami ay napansin ko ang pagiging mailap sa amin, lalo na sa akin ng pinsan ko. Gustuhin ko mang kausapin siya tungkol sa nabanggit niya sa nilaro namin ay hindi ko magawa. Lalo na't sinabi niya na gusto niya lang pag-usapan 'yon kapag ready na siya.
Palabas na kami ng gate ng school at nagpapaalam na sina Jhenine at JB sa amin na uuwi na sila ng bigla akong tabihan ni Isselah. It's Saturday at nandito kami sa school dahil may inaasikaso kami.
"Can we talk, cous?" biglang sabi ng pinsan ko. Tinanguan ko naman siya. Tila may ideya na ako kung tungkol saan ang pag-uusapan.
"Punta tayong MCDO? Doon tayo mag-usap." ngitian niya ako.
Gosh, I miss that genuine smile!
"Sige. Namiss ko rin kumain don."
Nilakad lang namin papunta sa MCDO since malapit lang 'yon sa campus namin. Pagkarating namin doon ay maswerte kami na hindi ganoon kacrowded. Karamihan ng kumakain ay college students. Humanap kami ng pwesto malapit sa entrance.
"Dito ka na lang, ako na ang oorder." pag-iinsist ni Isselah.
Habang tinatanaw ko siya sa pag-oorder ay bigla na lang tumunong ng malakas ang cellphone ko.
Nakakahiya!
Biglang nagsipagtinginan ang mga nakapaligid na students sa akin.
Hindi ko nasilent ang cellphone ko!Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakarehistro ang pangalan ni JB.
Soon to be Engineer JB.
Napangiti ako sa registered contact name niya sa cellphone ko. Isang araw ay nagulat na lang ako ng icheck ko ang message niya at napansing nagbago ang name niya. 'Yon pala sinadya niyang palitan iyon.
Manifesting.
[Hello, bakit ang tagal sagutin?] tanong ni JB sa kabilang linya. Halatang nagtatampo.
Parang nalate lang ng sagot! Tampo kaagad. Hmp.
Tinawanan ko lang siya.
[Nakauwi ka na ba? Bakit ang ingay ng background mo?]"Nasa MCDO ako ngayon. Nakikipagdate ako." seryoso kong sabi. Wala lang, gusto ko lang siya asarin. Pambawi man lang sa pagkakapahiya ko dito ng tumawag siya.
[W-what? You're just kidding, right?] gulantang na tanong niya.
Pinigilan kong matawa.Parang timang naman JB.
"Cous, patulong naman ako dito sa--" papalapit sa upuan namin ang pinsan ko ng senyasan ko siyang manahimik.
What the hell. Panira!
[Date pala ha. Si Isselah 'yon ah. Wag ako, Crissa.] narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.Kainis.
"Nagdedate kami ng pinsan ko. Bawal ba?" pambabawi ko.
[Ah, oo na lang Crissa.] ramdam ko ang pang-aasar sa tinig niya.
"Bakit ka napatawag?" pag-iiba ko na sa usapan.
Nilapag ni Isselah ang isang tray na may laman na coke float, sundae, fries at burger. Sinenyasan ko siya na hintayin ako.
[Just checking on you kung safe ka na nakauwi.]
Ganon naman halos araw-araw pero sa tinagal-tagal ay hindi pa rin ako nasasanay.
"Nagyaya si Isselah, may pag-uusapan lang kami. Ibaba ko na 'to ah. Rest ka na muna dyan. I'm okay here, don't worry."
[Sige, goodluck sa pag-uusapan niyo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi.] pagkatapos ay binaba niya na rin ang tawag.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...