CHAPTER 18
"Cous, malapit na debut mo. Any plans?"
It's May. Almost 2 months from now, debut ko na.
I'm with my cousin right now, tinawagan niya ako kanina para samahan siya dito sa bahay nila para magovernight. Tito Denver and Tita Jeriah aren't home. May business trip sila at bukas pa makakauwi.
We're watching Netflix. Nakailang movie na kami, siya lang naman ang nag-eenjoy.
"Tinanong na rin ako nila Mom about diyan, simpleng celebration lang ang gusto ko kaso hindi sila pumayag."
Iyon ang totoo. Ayoko na ng magarbo, gastos lang. As much as kasama ko ang family, relatives, friends at classmates ko, okey na ako don. Iyon naman ang mahalaga.
"Cous naman! C'mon, debut mo 'yon! For sure hindi papayag sila Tito Shaun na hindi 'yon bonggahan. Unica hija ka, remember?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niyang 'yon. Yun rin kasi ang dinahilan nila Mom sa akin. At isa pa raw ay pinagbigyan na nila ako sa hiling ko noong 16th birthday ko na huwag 'yon ganapin ng bongga. You know, sweet 16th. Pero ngayong 18th birthday ko ay hindi na raw nila palalampasin 'yon.
"Sila na ang bahala. Wala naman na akong magagawa kundi ang makicooperate. Naguumpisa na silang magprepare."
Noong isang araw ko lang rin nalaman kay Mom na nakahanap na sila ng event organizer. Ang theme raw ng party ay garden, since mahilig ako sa flowers and nature. Natuwa naman ako nang malaman 'yon.
"Yey! I told you! Dapat maglista ka na kung sino ang magiging 18th roses mo, 18th treasures, 18th bills and many more!" tuwang-tuwang aniya, na para bang siya ang magdedebut.
"Cous, yung totoo? Sino ang magdedebut? Ikaw o ako?"
"Ikaw, malamang! I'm just so excited!" natatawa pa niyang sabi.
"Hindi halata cous." pamimilosopo ko.
"Hala, cous naman eh! Dali na. Planuhin na natin."
Tumayo siya at umalis mula sa kama na pinaguupuan namin. Kung kelan naman na 'ko interesado sa pinapanood namin ay tsaka niya pinatay ang TV.
"Cous, bakit mo pinatay? Can't you see? I'm watching!"
"Sus, kanina panay ang reklamo mo diyan na hindi maganda ang pinapanood ko sayo, then now you're suddenly acting like interesado ka na sa pinapanood natin!" bigla niya akong hinila. "C'mon! Maglista at magplano na tayo para sa debut mo!" pangungulit niya.
Napailing na lang ako at napilitang sundin ang gusto niya. Ang hirap niya rin talagang tanggihan.
"18th roses na lang cous, patapos na tayo!" ani Isselah makalipas ang mahigit isang oras na pag-iisip at paglilista sa mga iimbitahan namin sa party.
"Wala ka bang balak magdinner cous?"
"Mamaya na! Tapusin na nga natin 'to. Last na eh."
"Gutom na 'ko." pagdadahilan ko, ayoko munang isipin kung sino-sino ang ilalagay ko sa 18th roses.
"Dali na cous! Huwag na natin 'to ipagpabukas pa."
Napabuntong hininga na lang ako. "Okay, pero bago yan. I'll call Mom kung may maisasuggest ba siya kung sino ang pwede kong ilagay na names diyan."
"Seryoso ka diyan cous? Syempre yung mga lalaki nating kaibigan! Sila JB! Tapos sila Tito. Yung iba pa nating kaklase!"
"Ah basta, I'll ask her. Pati si Dad. Mamaya hindi siya umagree sa ilalagay kong names diyan."
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...