CHAPTER 20

115 1 3
                                    

CHAPTER 20

Today is July 28. It's my 18th birthday!
Maaga akong nagising. Buti na lang at Sabado natapat ang debut ko.
Pagkababa ko ay naabutan ko sila Mom, Dad at Manang sa sala. Maaga rin sila nagising, as expected, para mag-asikaso sa magaganap na party mamayang hapon.

"Good morning KC! Happy Birthday!" ito agad ang naging bungad ni Dad sa akin.

I kissed him on his cheek. "Aw, thanks Dad! Ikaw ang kauna-unahang bumati sa akin!"

Natawa siya roon. "Dapat lang."

"Honey, happy birthday! Dalaga na ang unica hija namin." nakangiting ani Mom.

I hugged and kissed her. "Thank you Mom! I love you both!"

"Paano naman ako?" gulat akong napalingon sa pinanggalingan non.

"Good morning Manang!" nilapitan ko siya. "Huwag ka na magtampo, mahal rin kita!" natatawang sabi at paglalambing ko.

Manang Lety has been part of the family ever since. Hindi man namin siya kadugo pero pamilya na ang turing namin sa kaniya. Wala siyang asawa o anak. Lahat ng oras niya ay binuhos niya na sa pag-aalaga sa akin simula ng pitong-gulang pa lang ako, noong mga panahong pareho nang nagtatrabaho sila Dad at Mom. That's why I'm really thankful for her. Pumasok siya bilang kasambahay noon para asikasuhin at alagaan ako, trabaho niya 'yon. Pero nang maglaon, naramdaman ko rin ang pagmamahal niya hindi lang sa trabaho kundi sa pamilyang na ring 'to.

Nginitian niya ako. "Happy birthday sa kauna-unahan at huling alaga ko." emosyonal niyang sabi. "Hanggang sa lisanin ko ang mundong ito, ikaw ang aal--"

"Manang naman..."

"Ang hiling ko lang, sana lumaki ka pa lalo na may takot sa Diyos." nginitian niya ako. "Huwag mong susuwayin ang Dad at Mom mo." maawtoridad na aniya. Tumango ako doon. Nasa gilid lang sila Dad, nakikinig. "At higit sa lahat, always choose to be happy, because everyone deserves it. You only lived once." natatawang dagdag niya.

"Yes po Manang. Thank you."

"Nako, umagang-umaga...si Manang talaga. Dapat mamaya na 'yang wish eh!" natatawang ani Mom.
Pinagpahinga lang ako nila Mom, hindi nila ako pinakilos. Huwag raw akong mag-alala dahil ayos na ang lahat sa venue. Nakaready na rin lahat ng gagamitin at susuotin ko sa debut ko.

"Parating na yung make-up artist na kaibigan ng Tita Jeriah mo." ani Mom pagkalabas ko sa shower room, it's already 3PM. Kausap niya ang Mom ni Isselah kanina, tungkol pala don iyon.

"Sige Mom, magprepare ka na rin. Ako nang bahala rito." Umupo siya sa kama ko. "No, gusto ko makita yung gagawin nila sayo." Gulat akong napalingon sa kaniya. "Mom naman!"
Tinawanan niya lang ako. "Oh sige na. Goodluck honey! Kailangan maganda ang looks mo mamaya!"

Dumating rin kaagad ang make-up artist na tinutukoy ni Mom. Akala ko ay isa lang 'yon pero dalawa sila.

"Hello debutant! Ako ang magmemake-up sayo. Ate Suzie na lang." nginitian at inabot niya ang kamay sa akin. Nginitian at inabot ko naman 'yon.

"Omyghod gurl, ipakilala mo naman ako! Nakakaloka kang bakla ka!" asik ng isa niyang kasama. Yes, hindi po sila babae.

"Ay pasensiya na day!" natatawang ani Ate Suzie, nakitawa na rin ako roon. "Siya naman si Ate Girlie, yung hair stylist at nail artist mo."

"Hello po. Tara na po." iginayak ko sila sa loob ng kwarto ko kung saan nila ako aayusan.

Inabot kami ng mahigit isang oras sa pag-aayos pa lang. Sila na rin ang tumulong sa akin sa pagsusuot ng gown ko.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon