CHAPTER 35
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa may narinig akong nag-uusap malapit sa pwesto ko. I slept in the couch right beside JB's hospital bed. Nakatulog naman ako ng maayos kahit papaano.
Pupungas-pungas pa ako nang magmulat ng mata at mag-unat, bumungad agad sa akin sina JB at JD.
"Uhm, good morning." nahihiyang sabi ko. "I'm sorry, late na yata ang gising ko." tumayo na ako at inayos ang pinaghigaan ko. Pinusod ko ang di-kahabaang buhok ko dahil hindi ako sanay na nakalugay 'yon.
"Good morning. It's okay, halos kararating lang rin nila JD." ani JB.
Dumiretso muna ako sa CR para maghilamos at gargle. Nakakahiya naman sa dalawang boys dahil nawitness nila ang morning face ko!
"Sinong kasama mo, JD?" tanong ko paggkabalik roon. Napansin ko na may seryoso silang pinag-uusapan ni JB.
Magsasalita na sana si Jan Drew nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Isselah na may bitbit na Greenwich at MCDO.
"Obviously ako, cous." binaba niya ang mga pagkain sa table na nasa gilid ng bed. Tinulungan naman siya ni JD na mag-asikaso doon.
Tinabihan ko si JB sa couch, chineck ko ang nakabendang niyang tuhod, may pilay at sugat iyon. Buti na lang at hindi ganoon kalala ang natamo niya doon. Pwede na rin daw madischarge si JB anytime sabi ni Dra. Cherish. Nakalalakad naman na siya.
"Ang ganda mo pa rin kahit bagong gising." nagulat ako sa binulong ni JB na 'yon. Halos pamulahan naman ang pisngi ko.
Bolero rin ang isang 'to!
Naspeechless ako roon, iniwas ko na lang ang tingin ko.
"You're blushing. So cute." pinisil niya pa ang pisngi ko.
Hindi ko na napigilang hampasin siya. Mahina lang naman 'yon. "Ano ba? Umagang-umaga nang-aasar ka!"
"Sana all harutan ang almusal."
Pareho kaming natigilan ni JB sa sinabing 'yon ni Isselah.
"Kain na tayo. Gutom na 'ko." reklamo pa niya.
Magkatapat kami ni JB sa upuan, ganoon rin naman ang pinsan ko at si JD. Tahimik lamang kaming kumakain pero kinalaunan ay binasag ko 'yon dahil hindi na ako mapakali sa pwesto ko.
"I know that this is not the right place or right time to ask you this, JB and JD..." panimula ko, pinasadahan ko silang dalawa ng tingin. Narinig ko naman na halos mabulunan ang pinsan ko sa tabi ko.
"I'm okay. Tuloy mo lang." sabi niya.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita. Nakatuon ang atensiyon nila sa akin. "Gulong-gulo na rin kasi ako. Paanong nangyaring magkapatid...kayo?"
Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang sinabi ni Jan Drew. Wala rin kasi siyang nabanggit sa akin noon kung may kapatid siya so ang akala ko, all this time ay solong anak lang siya ni Tita Esmeralda.
Speaking of Tita Esme, kaya ba ayaw siya pag-usapan ni JD nung kinamusta ko ito dahil dito? Dahil sa nalaman niya?
"Remember nung debut mo? Nung naglaro tayo ng 2 truth and 1 lie, sinabi ko sa inyo na may unidentical twin ako...na wala na. That's what I thought. Kahit sina Mom, iyon ang alam pero hindi pala 'yon totoo. Buhay pa siya at si JD 'yon." pagpapaliwanag ni JB, kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Kailan niyo nalaman? Tsaka paano?"
Si JD naman ang sumagot ng tanong ko. Aalamin ko na lahat ngayon habang may pagkakataon pa 'ko.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...