CHAPTER 17
"Crissa, JB! Ano na? Kanina pa namin kayo hihintay doon, magpipicture na tayo!" sigaw ni Jhenine nang lumapit sila amin. She looks so excited!
Walang umimik sa amin ni JB. Tumabi sa akin si Jhenine nang mapansin ang pananahimik namin.
"Oy, okey lang kayo?" nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at kay JB.
Nginitian ko lang silang lahat. It was a fake smile. Ayoko lang sirain yung mood nila. Pero hindi nakaiwas sa paningin ko ang pag-iling ni Isselah. She knows me when I'm pretending.
"JB tara na." mahinang sabi ko.
Tumayo siya, agad na naintindihan ang pinahihiwatig ko.Nagpicture kami sa labas, malapit sa restaurant namin, may maliit na garden doon na pwedeng tambayan.
"Gawin nating group chat photo ang picture na 'to!" ani Jhenine, tinitingnan niya ang mga picture namin. Pinacheck niya rin sa amin ito, tinitingnan kung agree ba kami doon.
Sumang-ayon naman kaming lima sa gusto niya. Tsaka kailangan na rin talagang palitan ang group chat photo namin dahil nadagdagan na kami. Ang kasalukuyang photo kasi namin ay yung kuha namin noong nagcelebrate kami sa restaurant rin namin after graduation. Lima lang kami noon, pito na kami ngayon.
"Ako na magpapalit." pag-iinsist ni Cyia.
"Okay, can't relate." nakasimangot na ani Kufu. "Tara Jundee, tayo na lang mag-usap. Hindi ka rin makakarelate diyan." halos nagtatampo na ang boses niya. Kinulit-kulit niya si Jundee na busy maglaro ng online games niya sa cellphone.
Hindi namin napigilang matawa sa inasta niyang 'yon. Pacute eh!
Nagonline kaming lima para icheck kung napalitan na ba 'yon.
Layzelle Cyia Robles changed the group chat photo.
"Yey! Finally! Napalitan na rin!" tuwang-tuwang ani Jhenine. Parang bata!
"Wait, we're not yet done." sabi ko. "Jundee, Kufu, mag-online rin kayo."
Kuryoso silang napatingin sa akin. Pero sinunod rin ang sinabi ko.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at inopen ang GC namin.
You added Jundee Lee Bayron and Kufu Jerson Cezar.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang reaksyon nilang lahat. Lalo na nila Jundee at Kufu, nagulat sila at hindi siguro inaasahan 'yon.
"Omyghod! Bakit hindi ko naisip 'yon?" ani Jhenine."I mean...ako pa ang nagsuggest na palitan yung photo tapos..." napagtanto niya na ang pagkakamali. "Oo nga pala hindi pa natin sila naaadd!" pagpapatuloy niya, halos maghisteriya siya.
"Thank you Crissa!" nakangiting ani Jundee.
"Dapat si JB nag-add satin eh." pagmamaktol ni Kufu. Siguro dahil si JB talaga ang kaibigan nila, 'yon ang inaasahan niyang gagawa ng bagay na 'yon.
"Choosy ka pa ba Kufu?" ani Cyia. Natawa kami roon.
"Naunahan lang ako ni Crissa." biglang sabi ni JB, ang paningin ay nakila Kufu. "Matagal ko nang naisip na iadd kayo sa gc namin kaso syempre..."
"Kailangan ng permission nating lahat?" tanong ni Isselah. "O sadyang nagpapakiramdaman tayo kung sino ang mag-aadd?" natatawa niya pang dagdag.
"I think it's both." ani Cyia. "Magtatatlong buwan na nating kilala at nakakasama sila Kufu at Jundee..."
"So, they're already our friends. Hindi lang ni JB, right? pagsingit ko. "And the moment we add them in our gc, that means they are officially part of our squad."
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...