CHAPTER FOUR
"Class, I'll group you into 5. Since sakto naman na 50 kayo lahat dito sa klase, meaning each group is consist of 10 members. Better if by line na lang para hindi magulo. Is that clear?" pag-aanunsiyo ni Mam Macalintal, ang English teacher namin.
We will be having our Final Performace Task that would be performed next week. Last quarter na for this school year. Ganon kabilis ang panahon. Di na namin namalayan na patapos na kami ng Grade 8.
Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Mam. We're all excited at the same time gusto na rin namin kaagad matapos 'to ng mas maaga sa deadline dahil next week ay Final Exam na. We need more time to review."Hindi na ako mag-aassign pa ng leader kasi I am expecting all of you to be responsible enough, okay?" dagdag pa ni Mam.
Nagpunta na kami sa kaniya-kaniya naming grupo. We formed a circle para magbrainstorming. Pinangunahan naman ito ni JB. Lahat kami ay nakangiting nakikinig sa mga sinasabi niya. He's good in terms of leadership. Napatunayan niya na yan sa mga nakaraang buwan. Madalas siya ang napipili ng iba naming teacher na maging leader. No wonder, he's our Top 1. Yes, ganon siya katalino, to the point na naungusan niya yung Top 1 namin nung 1st Quarter na naging Top 3 na ngayon. Ako naman ay nananatiling Top 2. Nagtie naman sila Isselah at Jhenine sa Top 4 at Top 5 si Cyia. Luckily, magkakagrupo kaming lima ngayon. Si JB, Jhenine, Isselah, Cyia at ako.
"Saan tayo magpapractice ng role play? Saang bahay pwede?" biglang tanong ni Jhenine.
Nagkatinginan lang kaming lahat. Naghihintayan na may magvolunteer. Kaso base sa reaksyon ng karamihan ay hindi pwede sa mga bahay nila. Dahil doon ay nag-insist ako na sa amin na lang."Are you sure pwede sa inyo KC?" paninigurado ni Cyia.
Nagtinginan silang lahat sa akin.
"Magpaalam ka muna Crissa, pag hindi pwede, sa amin na lang." ani JB.Crissa. He called me in my second name! Mas sanay ako na tawagin niya akong KC!
Ngumiti ako. Alam kong inaalala nila sila Dad. Pero sigurado akong papayagan non dahil si Dad na mismo ang nagsabi sa akin before na kung may mga groupings, mas maganda kung sa amin na lang para hindi na ako dadayo sa ibang bahay.
"Hindi na JB, sa amin na lang. Sure na ako dun." paniniguro ko.
"Wow! Be himala ah, first time yata na doon tayo sa inyo. I mean marami tayo. Kadalasan kami lang ni Isselah ang nakakapunta sa inyo." may pagkamangha sa tono ni Jhenine. Well, tama naman siya.
"At dahil diyan, mamimeet na ni JB sila Tita Camila and Tito Shaun!" nakangiting ani ng pinsan ko. So, what's the big deal?
Natigilan si JB sa sinabi ni Isselah. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang kinabahan, base sa reaksyon niya.
"Wag ka mag-alala JB. Apat naman kayong lalaki sa grupo eh. I'm sure lahat tayo ipapakilala ni Crissa, except kila Jhenine at Isselah syempre." sabi naman ni Cyia.
Matapos ang discussion namin sa magaganap na groupings sa Sabado ay umuwi na kami. We were all tired. Ang daming ginawa ngayong araw. Puro Unit Tests at groupings. Batid kong minamadali na kami ng mga teacher namin dahil nga sa nalalapit na Final Examination.
"How was your day, honey? bungad ni Mom nang makarating ako sa bahay. It's already 3PM. Late na naman ako nakauwi. Nilapag ko ang bag ko sa sofa. Atsaka humalik sa pisngi ni Mom.
"Kinda tired Mom. I'm hungry na rin, hindi na kami nakapaglunch kanina dahil ang dami naming ginawa." pagrereklamo ko. Sinandal ko lang ang likod ko sa inuupuan atsaka pumikit.
"KC...I told you before, bawal ka malipasan ng gutom! Baka bumalik na naman yang ulcer mo!" nag-aalala at napapasigaw na sabi ni Mom.
Gulat akong napamulat. Umayos ako ng upo. "Mom don't worry, kumain naman kami nila Isselah ng biscuits nung recess. Sila rin naman hindi na nakakain ng lunch. Pare-pareho lang kami." pagpapaliwang ko.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...