Chapter SEVEN

140 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"I just want to inform all of you that your Final Examination would be next week, Monday to Wednesday, same time and subjects ang itetake niyo gaya noong nakaraang quarter. At sa Saturday kaagad nyong makukuha ang card nyo. Then after that, bakasyon nyo na." anunsiyo ng adviser namin.

Lahat kami ay excited sa idea na magbabakasyon na. Pero bago iyon, syempre kailangan muna naming tapusin ang kailangang requirements. At huli nga doon ang exam.

Today is Monday. Masasabi ko na napakaproductive ng araw na ito. Natapos na kami sa mga Unit Tests at napasa na rin namin ang dapat ipasa. Ang kulang na lang ay ang performance task namin sa English na ipeperform nga sa Wednesday. Iyon na ang huli naming gagawin bago ang exam week. Pagkatapos non ay aasikasuhin na lang namin ang reviewer namin para sa exam.

"Cous, kain muna tayo sa cafeteria bago magpractice at gumawa ng props sa gym ah." bilin ko kay Isselah bago kami magdismissal.

Tinanguan niya lang ako. Parehong dalawa ang binaon naming pang lunch, para makatipid na rin. Ang pasok kasi namin ay 7am hanggang 1:30nn. 10am ang recess. Most of the time biscuits, sandwich at chocolate drinks lang ang kinakain namin. Pagdating ng 12nn, lunch na namin. Manang Letty cooked mechadong manok for my lunch. Nakalagay iyon sa dalawang lunch box kasama ang rice. Pansin ko na mas marami na ngayon ang serving ng kanin ko. Gusto talaga nila akong patabain.

Nagtipon-tipon kaming magkakagrupo bago lumabas ng room. Nag-anunsiyo saglit si JB.

"Guys, kain muna ulit tayo ng lunch bago magpractice. 2:30 dapat nasa gym na lahat. Yung materials sa paggawa ng backdrop don't forget. Thank you! Kitakits doon!"

Lahat kami ay umagree doon. Kaniya-kaniya kaming punta sa cafeteria, ang iba naman ay sa bench para kumain. Palabas na kami nila Isselah at Jhenine nang biglang lumapit sa amin si JB.

"Pwedeng sumabay kumain sa inyo?" paalam niya. Natawa naman ako.

"Ofcourse! JB naman! Kahit hindi mo sabihin, sabay-sabay talaga tayo no!" sabi ko.

"Eh..akala ko magkakaniya-kaniya tayo eh." nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko inakalang maiisip niya 'yon.

Natawa naman si Jhenine. "Adik ka ba JB? Magkakasquad na tayo, anong kaniya-kaniya ka diyan?!"
Nahihiyang nag-angat ng tingin si JB sa amin. Mas natawa ako sa hitsura niya. Like, bakit bigla siyang naging ganoon?

"Okay...I'm sorry." sabi niya at nauna nang naglakad sa amin.

"Be, anyare don? tanong ni Jhenine sa akin. Nagkibit balikat na lang ako. Kahit ako, hindi ko rin alam eh. So weird!

Naghanap kami ng mauupuan sa cafeteria. Marami na ring kumakain, halos mapuno na iyon. Umupo kami sa dulo, sakto na apat ang upuan. Naunang umupo si Isselah, balak ko sanang tabihan siya pero naunahan ako ni Jhenine. So, sa tapat na lang ako ng pinsan ko. Katabi ko si JB.

Nilabas na namin ang baon naming pagkain. I saw Isselah's lunch, it's her favorite adobong baboy. Kay Jhenine naman ay fried chicken. Palaging ganoon ang baon niya. Hindi siya nagsasawa. Nang makita ko ang baon ni JB ay napalunok ako. Gosh! Carbonara! Kahapon lang ay nagkecrave ako roon! Nakita ni JB ang reaksyon ko, hindi ko naiwasang maipakita na natakam ako. Nakakahiya.

I was about to start to eat my own food when JB suddenly put some carbonara in my lunch box, besides the rice.
Nagulat ako roon. Iniisip ko na bibigyan niya rin sila Jhenine, hinintay ko iyon, pero hindi ganoon ang nangyari.

"Hala JB! Hindi na, nakakahiya. Pagkain mo yan. Sayo yan." pilit kong binabalik ang nilagay niyang carbonara sa akin.

Natawa siya sa ginawa ko. "No need...Don't give it back to me. Alam kong kanina ka pa natatakam." humalakhak siya.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon