CHAPTER NINE
Gustuhin ko mang baliwalain ang sinabi ni Isselah ay hindi ko magawa. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Paano niya naman kaya nasabi iyon? Anong naging basehan niya roon?
Kung sakali mang may katotohanan ang kaniyang sinabi at napansin kay JB, hindi ko alam kung anong mararamdaman... Normal lang naman ang ganoon, ang magkagusto sa isang tao. Pero bakit pakiramdam ko ay hindi magandang ideya na may magkagusto sa akin na kaibigan ko? Lalo na kung sobrang malapit sa akin ang taong 'yon. At mas lalong hindi ko gugustuhin na ako ang magkagusto sa kaibigan ko. I value the friendship so much more than anything. That's my principle.
Ilang minuto ang lumipas ng dumating na rin si Dad. Sinalubong ko agad siya. Naiwan ko sila JB sa sala.
Bumungad sa akin ang nakangiting si Dad. "Congrats hija! You did a great job! I'm so proud of you." he handed me my report card.
Pinasadahan ko ng tingin ang card ko. Napangiti ako ng makita ang resulta ng pinaghirapan ko. It's worth it. Mas naexcite ako sa susunod na school year!
"Thank you Dad. Uh nga pala Dad...nandito po sila JB." dumalo kami sa sofa.
Napatayo kaagad si Isselah ng makita si Dad. Nagmano siya rito. Ganoon rin si JB.
"Oh JB, Isselah, what brought you here?"
"Good Afternoon po Tito." magalang na pagbati ni JB. "Ipapaalam ko lang po sana sa inyo si Crissa...my Dad wanted to meet my friends. He's inviting them in our house for a lunch."
Tiningnan ako ni Dad at binalik ang tingin kila JB at Isselah. Nakita ko nang pasadahan niya ng tingin ang suot ni Isselah.
"Ngayon ba yung lunch hijo? Prepared na si Isselah oh! Pinayagan ka agad nila Khate?" hindi makapaniwalang aniya.
Natawa ako. As if namang kasingstrict niya ang nakababatang kapatid, si Tita Khate.Tumango lang si Isselah.
Nakita ko nang mahiya si JB. "Ngayon po sana... Pwede po ba si Crissa?"Hmmm." umakto si Dad na parang nag-iisip.
"Dad, please?" nagmakaawa na ako. Nahihiya na ako kay JB at sa Dad niyang naghihintay sa amin!
"Crissa, okey lang kung hindi pwede. May next--"
Agad itong pinutol ni Dad. "Sure, no problem."
Gulat akong napaangat ng tingin. Natigilan rin si JB. Nakita ko naman ang pagngiti ni Isselah sa gilid.
"Basta ba ay hindi siya magpapagabi." seryoso nang paalala ni Dad. Agad akong tumango.
"Ofcourse Dad! Don't worry. Thanks Dad!" I can't contain my happiness!
"Thank you po Tito." sinulyapan ako ni JB. "I'll take good care of her po."
Pagkatapos noon ay nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko para magshower at magbihis. Pinaghintay ko muna sila Isselah sa sala. Hinandaan sila ni Manang ng merienda pero tinanggihan naman nila 'yon. Uminom lang sila ng juice. Dahil nga sa maglalunch kami, ayaw nila magpakabusog!
I just wore my favorite off-shoulder floral dress. Nagponytail ako. Nagflat sandals lang rin ako. Hindi na ako ganoon nag-ayos ng mukha, powder lang. Nagmamadali na talaga ako, hassle.
Pagkababa ko ay nakita ko ang reaksyon nila Dad, Manang, JB at Isselah.
"Okey lang ba ang suot ko?" naconscious tuloy ako.
"You're so beautiful hija!" papuri ni Manang. "Hindi na ako magtataka kung maraming magkagusto sayo!
Umubo lang si Dad. Tinitigan ko si Manang, like warning her to stop 'coz Dad is just beside us, listening. "Nako Manang! You're so bolera ah! Stop it. I don't like that idea."
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...