Epilogue

359 9 2
                                    

February 15.

I despise that day because of the fact that I found out that my bestfriend and the only girl I love has finally in a relationship.

Sinagot niya na si Jan Drew. And I couldn't believe that she did that right after Valentine's Day. Sweet, huh?

My laptop is infront of me and I decided to check my Facebook. Hindi ko naman inaasahan na ang bubungad sa akin doon ay ang magkasunod na post ni JD. Hindi ko siya friend sa Facebook pero since nakatag si Crissa sa post niya, nakita ko 'yon.

Jan Drew is in a relationship with Kazzi Crissa Mendes.

Jan Drew is feeling love with Kazzi Crissa Mendes.

May picture silang dalawa doon na magkaholding hands habang sa likod nila ay tanaw ang buong city lights.

Enjoying the view with my love. I love you.

Iyon ang nakalagay sa caption ni JD.

What a perfect view and perfect couple.

I told Crissa before that I'll always support her in every decision she will make especially when it comes to her happiness and I really mean it.

At some point, inasahan ko na rin naman na darating ang araw na sasagutin ni Crissa si JD. Pero narealize ko na kahit gaano pala ako kahanda sa bagay na 'yon, hindi pa rin no'n maaalis ang katotohanang nasasaktan ako. Hindi no'n mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Ang hirap palang maging masaya para sa taong mahal mo lalo na kapag alam mong hindi ikaw yung rason kung bakit siya masaya.

Nangako ako noon na hinding-hindi ko susukuan si Crissa, lalo na ang nararamdaman ko para sa kanya kahit pa ilang beses niya nang nilinaw at pinaliwanag sa akin ang prinsipyo niya.

Kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa kaibigan niya dahil mas pinapahalagahan niya ang nabuo ng samahan.

Prinsipyo lang 'yan, pwedeng matibag. Mahal kita. I won't easily give up on you.

That was my mindset for so long.

Pero darating rin pala ang araw na ipamumukha lalo sa'yo na wala ka ng pag-asa.

Paano ko pa siya ipaglalaban kung may mahal na siya?

Ang pagsagot ni Crissa kay JD ang naging wake-up call sa akin.

So that day, I told myself that I will start moving on. Susubukan at uuntiin ko nang palayain ang nararamdaman ko para kay Crissa. As a respect to their relationship and also to myself.

I purposely distanced myself to Crissa and even to her boyfriend. May mga times rin na pinipili ko na lang rin huwag umattend sa ibang event lalo na kapag alam kong aattend si JD. Aminado akong sa pag-iwas na 'yon ay naapektuhan rin ang bond naming magkakaibigan at relationship ko sa parents ni Crissa. Pinili ko iyon dahil 'yon ang tingin kong makakapagpadali sa paglimot ko.

Pero may mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasang magkakasama kami sa iisang event. That was the first time we were completed. Ofcourse, everyone was very happy about that.

Pero hindi ako kasama roon.

Call me selfish or bitter, but I don't want to be hypocrite.

I'm not good at pretending.

While my friends and everyone are busy having fun, I was left alone watching them laughing and enjoying the party.

Pekeng ngumingiti at tinatanguhan ko sila everytime na niyayaya nila ako pero sinasabi ko na lang na susunod ako sa kanila. Isang senyas ko lang kay Kufu ay gets niya na at kakausapin niya ang mga kaibigan namin na huwag na akong pilitin pa.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon