CHAPTER SIX
Naniniwala akong walang masama sa pagkagusto o paghanga sa isang tao. That's normal. Tao lang tayo, may pakiramdam. Mapabata o matanda, pwedeng maramdaman ang ganoong pakiramdam dahil sa iba't-ibang dahilan. At maaari mong maipahiwatig o maipakita sa taong iyon ang ganoong pakiramdam sa kahit na anong paraan.
But I also believe, admiring and liking are two different things. May pagkahawig at koneksyon sa isa't-isa ngunit mayroon ding pagkakaiba. Admiring o paghanga. Maybe you admire him or her because of his or her looks, physical or outside features. Or possible it could be based on his or her attitude or traits. You admire people because of different reasons. For me, it's not a deep feeling. You just admire him or her, as simple as like that.
But liking, it somehow different from admiring. Liking o pagkagusto. You like someone because you are attracted for some reason. There is a feeling involved now. You're somehow investing a serious feeling that could possible end up more than just liking if you would let it to...and if you choose to. At the end of the day, it's always your choice. It's still up to you.
"Y-yes Tita. I don't also see anything wrong about...t-that thought." nauutal na sagot ni JB. Hindi nagawang titigan si Mom.
Nakita ko ang pagtawa ni Mom."You're stuttering JB. Don't be nervous. Ako lang 'to. Hindi ako kasing strict ng Dad ni KC."
Naiiling aking tumingin kay Mom. Gosh, bakit si JB ang pinupuntirya niya?"Mom naman! Bakit naman si JB pa ang tinanong mo niyan? At bakit naman tayo napunta sa ganitong usapan?" asik ko.
Akala ko tapos na kami sa seryosong usapan eh. Wala na si Dad. Ngayon naman ay si Mom!
Nakita ko nang magulat si Mom sa naging reaksyon ko. "Wala naman honey. Naisip ko lang na itanong 'yon, what's wrong?"
"Kasi naman nakakatense ka, kanina si Dad! First time pumunta nila JB dito tapos ganiyan mga tanungan nyo." dismayado at pandidiretsa nang sabi ko. Naramdaman ko sa baba ng lamesa nang sagiin ng pinsan ko ang paa ko. Magkatapat lang kami. Pinapatigil at pinapatahimik na ako.
Biglang nagsalita si JB. "Crissa, it's okay." nginitian niya ako.
Napabuntong-hininga na lang ako. Pilit nginitian siya pabalik, pati na rin ang iba kong kaklase na kanina pa tahimik na nakikinig. Nagsorry ako sa kanila pagkabalik namin sa huling pasada ng practice bago umuwi. Nahihiya lang ako sa inasta nila Dad. Feeling ko natakot sila."Ano ka ba Crissa, okey lang 'yon. Naiintindihan namin yung parents mo. Normal lang maging strict lalo pa't unica hija ka!" natatawang sabi ni Cyia.
"Bakit naman sila Tito Denver, hindi naman sila ganon kay Isselah." pagmamaktol ko. Hindi maiwasang magkumpara. Sadyang dismayado ako sa pinakita nila Dad kanina. Sana pinalampas na lang muna nila.
"Nagkakaganyan ka ba dahil si JB ang pinuntirya nila kanina?" biglang tanong ni Jhenine. Kuryoso akong napatingin sa kaniya. "I mean you know...diba gusto nila kamo mameet kaagad si JB. Your Dad is very curious about him after he saw you talking with JB thru vc that night."
Napatingin ako sa gawi nila JB. Seryoso at busy sila nila Isselah sa pagbabatuhan ng lines at part nila sa role play.
Tumango ako. "Yes. Kasi naman be, nakakahiya. Nakita nyo naman kung paano kinabahan si JB kanina. Ewan ko ba bakit siya pa?"
"Eh kasi naman be...baka iniisip rin nila na may gusto sayo si JB? Halatang nagpaparinig sila, you know warning. Tsaka alam mo naman mga magulang mo, especially Tito!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Iniisip nila Dad na may gusto sa akin si JB? Paano? Like, seriously?
Natawa ako sa sinabi niya. That's impossible!
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...