CHAPTER 21

93 2 0
                                    

CHAPTER 21

Hindi na nawala pa sa isip ko ang huling sinabi ni Dad. Hindi ko lubusang akalain na iniisip niya pala ang ganoong bagay. Iba ang naging epekto non sa akin. Para bang ngayon ay mas naiintindihan ko na siya, na kaya siya ganito kahigpit sa akin sa ganoong usapin ay hindi lang dahil sa ayaw niya, kundi dahil inaalala at natatakot siyang masaktan ako, bagay na alam kong hindi maiiwasan kapag nagmahal.

Nagpatuloy ang program at itinuon ko na ang pansin doon. Sa kabila nang pag-iisip ay pinili ko pa ring enjoyin ang espesyal na araw ko.

Naging masaya ang buong program, punong-puno 'yon ng tawanan, kantyawan at asaran. Laking pasalamat ko talaga dahil napakaentertaining nang nakuhang emcee nila Mom.

"And for our debutant's last dance, let's all welcome, Jann Brix Diaz!" masayang anunsiyo ng emcee. Tumayo si JB. "He's so handsome huh? You guys look good!" komento pa ng isang emcee. He's in his formal attire, blue ang theme ng boys at pink naman sa girls.

"Goodluck dude!" nakangising ani Kufu matapos akong ipasa kay JB. Inabot niya sa akin ang rose.

"Ang lamig ng kamay mo." ani JB nang kuhanin niya ito. "Pasmado." natatawa pang sabi niya.

Gusto kong mahiya pero mas naasar ako. Hindi ko naiwasang mapanguso.

"What's with the pout?"

"Alam mo namang pasmado ako diba? Nakakainis ka!"

Nagpatuloy kami sa pagsayaw. Tinawanan niya lang ako.
"Turn-off ka na sa akin?" bulong ko pa. Nakita ko ang pagkagulat niya. "Okey lang, maganda ngayon eh." nakanguso ko pang sabi.

"Hey, nagbibiro lang ako. C'mon. Smile na."

Hindi na ako sumagot pa. Titig na titig siya sa akin pero ang paningin ko ay nasa iba.

"Look at me please?" malambing na pakiusap niya, doon lang ako muling humarap sa kaniya. "Happy Birthday."

"Thank you JB."

"Can I have a request?" biglang sabi niya.

Kuryoso akong napatingin sa kaniya. Malapit nang matapos ang kanta at mauupo na siya.

"W-what is it?"

Nginitian niya ako. "Always guard your heart, please? K-kapag may n-nanligaw na sayo, ipakilala mo siya sa akin, kikilatisin ko siya."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ng sabihin niya 'yon. Nakangiti ang labi niya pero hindi nagsisinungaling ang mga mata niya.

"At kapag s-sinagot mo na siya, sasabihin ko sa kaniya na ingatan ka at huwag na huwag kaniyang sasaktan...dahil kapag nangyari 'yon, ako ang makakalaban niya. Ipapaalam ko rin sa kaniya na maswerte siya dahil may girlfriend siya na...marunong manindigan sa p-prinsipyo niya."

"JB..."

"Iyon lang ang hinihiling ko Crissa. Happy Birthday again." natapos ang kanta at pagsasayaw namin atsaka niya ako tinalikuran.

Magaalas-onse na nang matapos ang party. Nagsipag-uwian na ang mga bisita nila Dad, ang tanging natira na lang ay ang mga kaibigan ko at ang mga magulang nila.

"Happy Birthday again Crissa!" bati ni Jundee. "Nandoon yung gifts namin nila Kufu." tinuro niya ang table na nakalaan para sa paglalagyan ng mga regalo.

"Thank you! Baka bukas ko na buksan 'yang mga regalo niyo." natatawang sabi ko. Nakakapagod ang araw na 'to!

Sa kalagitnaan nang pag-uusap namin ay natanaw namin sila Dad kasama sila Tito na papunta sa side namin. Baka uuwi na sila, late na rin...

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon