Chapter TWO

264 7 0
                                    

CHAPTER TWO

"Finally! Natapos rin! Makakapagpahinga na kahit papaano." nakahingang ani ni Jhenine pagkatapos namin mag-exam. Ramdam ko ang saya sa kanyang tinig.

Mas maaga ang uwian namin ngayon kumpara kahapon at nung isang araw dahil dalawang subject na lang naman ang tinest namin.

Gaya nang sinabi ni Isselah kahapon ay tinawagan niya si Dad para magpaalam. Pumayag naman agad ito. Himala diba? Tinawagan rin ako ni Dad para makasigurado. Binilin niya din sa amin na huwag kaming magpapagabi masyado. Baka hanapin rin kasi Tita Khate si Isselah sa akin. Hindi pa naman 'yon nagpapaalam. Pero ang ipagpaalam ako ay nagawa, tsk! Basta na lang nagdedesisyon. Well, hindi naman kasi ganon kastrict ang parents niya unlike sa akin.

Pumunta muna kami sa isang grocery para bumili ng snacks at drinks bago kami dumiretso sa bahay nila Jhenine. Excited ako dahil minsan lang mangyari ito! Susulitin ko na!

Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan namin ang mom ni Jhenine, si Tita Jeriah na nagluluto ng carbonara. Sinalubong niya agad kami at kinuha ang mga pinamili.

"Hi po Tita!" bati ni Cyia, isa naming kaklase na malapit rin sa amin dahil madalas kaming maging magkakagrupo. Mas madalas siyang makapunta dito kaysa sa akin.
Agad nang-angat ng tingin sa amin si Tita at ngumiti."Hello sa inyo, kamusta kayo?"

"Okey naman po Tita, tapos na po ang exam!" sagot ni Cyia. Biglang namang napatitig sa akin si Tita, batid kong nagulat siya na nandito ako. "Hi Crissa! Buti naman at pinayagan kang pumunta dito."

"Yes po Tita, pinaalam po ko ng pinsan ko eh. Tsaka alam po ni Dad na dito po ako sa inyo pupunta kaya pinagbigyan niya na ako." ngiting ani ko sabay sulyap kila Isselah at ibang kasama namin na naghahanda na ng snacks.

Nang maluto na ang carbonara ay niyaya kami ni Tita Jeriah na kumain muna non. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa sala kasama ang mga hinanda nilang snacks at drinks. Napagdesisyonan nilang panoorin ang IT 2 since matagal na raw nila yon gustong panoorin. Inenjoy ko ang panonood at pagkain.

Magaalas-sais na nang napagdesisyonan naming umuwi dahil masyado kaming nawili sa panonood at pag-uusap.

"Tita, mauna na po kami. Salamat po sa pacarbonara!" paalam ni Isselah. Siya yung nakarami sa amin ng kain eh. Well, masarap magluto si Tita!
Tumango agad siya sa amin. "Sige, ingat kayo. Diretso uwi na ah." bilin niya pa sa amin.

"Be, thank you! Nag-enjoy kami pramis. Sa uulitin." ngiting sabi ko kay Jhenine nang ihatid niya kami sa sakayan.

"No prob KC! Sana payagan ka na lagi ni Tito pumunta rito kasama si Isselah para mas masaya."

"I'll try. Pag mga groupings pinapayagan naman ako eh. Bonding, moma or gala, let's see! Unti-unti-untiin ko. See you tom!" pagpapaalam ko na atsaka sumakay sa tricyle na pinara ni Isselah. Pareho kami ng way pauwi. Sila Cyia at ang iba naman naming kaklase ay natanaw naming sumakay na ng jeep.

Pagkauwi ay sinalubong agad ako ni Manang Lety. Wala pa sila Dad at Mom kaya naman umakyat muna ako sa kwarto ko para magshower at magbihis. I was about to go inside my shower room when my phone suddenly rang. It's my mom...

"KC honey, where are you? Are you still in your friend's house?" I heard some noise in the background. I think she's in our restaurant?

"No Mom. Nasa bahay na ako. Kakauwi ko lang po actually. Why?"

"Good. Just want to inform you that your Dad and I will go home late tonight. I'm sorry honey, we won't be able to join you in dinner. Ngayon lang 'to. May aasikasuhin lang kami sa restaurant okey? Mauna na kayo ni Manang Lety kumain. Maybe 10pm nakauwi na kami." ramdam ko ang lungkot ni Mom base sa tono ng pananalita niya. Hindi kasi kami sanay na hindi sabay-sabay kumakain especially dinner.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon