CHAPTER 16

99 5 0
                                    

CHAPTER 16

Pagkauwi ko ng bahay ay tinawagan ako ni Isselah, humingi siya ng sorry sa akin dahil sa sinabi niya. Inamin ko sa kaniyang nadismaya ako dahil of all people na magsasabi ng tungkol sa bagay na 'yon ay siya pa na pinsan ko. Gayong siya ang palagi kong sinasabihan at alam niya naman na ayoko nang pag-usapan 'yon, kahit pa pabiro pa ang ginawa niya doon.

Siguro ganon na talaga ako. Simula noong malaman ko na may gusto sa akin si JB ay naging sensitive ako. Kumbaga, hangga't maaari ay ayoko nang mapag-usapan 'yon. Iniiwasan ko lahat ng bagay na pwedeng maging dahilan para maopen na naman yung bagay na 'yon.

Sapat na sa akin ang napag-usapan namin noon ni JB. Pareho kaming nagkaliwanagan. Inamin niya ang nararamdaman niya sa akin, sinabi ko ang gusto kong mangyari at 'yon ay ang maging magkaibigan kami. I believed that we both agreed with that, than more than anything, it's the friendship that matters the most. Iyon naman kasi ang tama at dapat gawin.

At isa pa, gaya ng sinabi ni Dad. Masyado pa kaming bata para isipin ang mga bagay na may kinalaman sa love or relationship. In our age, I don't think we already know the true definition of love. But somehow I believe that we will find the true definiton of love in our own, but not now. Maybe someday...

Dumaan ang mga araw na pare-pareho kaming naging busy dahil sa mga ipapasang requirements. Tadtad rin kami ng quizzes at Long Test since exam na namin next week. Wala naman akong napansing pagbabago kay JB after nang nangyari doon sa sinabi ni Isselah.

"See you sa Sunday guys. Bye! Ingat kayo!" paalam ko nang maghiwa-hiwalay na kami sa harap ng gate.

It's Friday. Sinundo ako ni Dad kaya hindi ko sila kasabay umuwi. May pupuntahan raw kasi siya at may imimeet na mahalagang tao, gusto niya raw akong isama doon. Kung sino at saan 'yon, I don't have any idea.

Nang magsimula nang umandar ang sasakyan ay napansin ko kung saan kami patungo. Sa kabilang road at likod ng school namin na malapit sa bagong restaurant namin!

"Dad hindi mo naman sinabi na sa bagong retaurant lang natin tayo pupunta." I concluded.

"Hindi tayo doon pupunta." he just smiled on me, continue driving.

Atsaka ko napagtantong hindi nga kami doon pupunta dahil nilagpasan namin ang restaurant namin na sarado pa. Nakita ko ang tarpaulin na may nakalagay na 'SOON TO OPEN!'.

Tumigil kami sa tapat mismo isang bahay. 2 floors iyon, hindi ganoon kalakihan. May garahe, kulay yellow ang bahay at gate nito.

Naunang bumaba si Dad at nagdoorbell ito. Sumunod lang ako sa likod nito. May isang medyo may kaedaran na babae ang nagbukas ng gate. I think she's in mid's 50-55 years old.

"Good afternoon Mam Esmeralda." nakangiting pagbati ni Dad. "I'm with my daughter." tinuro at hinarap niya ako. "KC, siya ang may-ari ng lupang nirerentahan at pinagtayuan ng bagong restaurant natin."

Never ko pang natanong si Mom o Dad tungkol sa bagong restaurant namin. Hindi naman kasi ako mausisa o matanong, hinahayaan ko lang na sila mismo ang magkwento sa akin tungkol doon.

Pero bago sa akin ang malamang nirentahan lang namin ang kinatatayuan ng bagong restaurant namin. Iyong naunang 2 branches kasi namin ay sarili namin ang lupa, binili 'yon nila Dad bago patayuan ng restaurant.

"Hello po. Magandang hapon po."

"Good afternoon din. Come in." atsaka niya kami iginayak sa loob ng bahay niya.

Sa dining area niya kami iginayak. May nakahanda na roong pagkain. Probably she prepared merienda for us.

"Kumain muna kayo." aniya.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon