FINAL CHAPTER
Bakas sa mukha ni JB ang labis na pagkagulat ng dahil sa sinabi ko. Halos mamula naman ang pisngi ko nang mapagtanto ko kung gaano ako nagpadalos-dalos at nagpakastraight forward sa pag-amin sa totoong nararamdaman ko.
Bigla akong nahiya dahil doon.
Hindi naman kasi talaga ito ang plano ko!
Umurong ako ng kaunti at umayos ng upo sa backseat. Hindi ko na siya matitigan sa mata niya ngayon.
Gosh, awkward.
"Did I hear it, right?"
Ayoko kumibo. Basta nasabi ko na 'yon. Hindi ko na uulitin pang sabihin 'yon.
"You love me?"
Nanahimik pa rin ako.
"Oh come on, Crissa. Magsalita ka dyan. Pagkatapos mo 'kong gulatin at baliwin dito." ramdam ko ang frustrations niya doon. "Panindigan mo 'to." nakangusong aniya.
Hindi ko naiwasang mapangiti ng dahil sa inaasta niya. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin.
"Really? Nagagawa mo pang ngumiti dyan habang napufrustrate na 'ko dito?"
Pilit ko siyang pinapalayo. "Ano ba JB! Ang init! Nakakasuffocate!" pagrereklamo ko.
"You're blushing." pang-aasar niya pa. "Ulitin mo yung sinabi mo. Please?" nagpuppy eyes na siya.
Sunod-sunod ang pag-iling ko.
A.YO.KO. Nahihiya ako.
Napabuntonghininga na siya, sign na sumusuko na sa pamimilit sa akin.
"Okay. I'll just wait for the right time until you're finally ready to say those words to me. I won't force you anymore."
Hinarap ko siya at tinitigan. "Just trust me, hm?"
Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Yeah, I always do."
Ang plano kong umuwi na sana ay hindi na natuloy pa dahil napagdesisyunan ni JB na dalhin ako sa restaurant na malapit rin dito sa UST. Balak pa sana naming maglibot sa loob ng campus pero napagtanto naming hindi pala kami pwedeng magpagala-gala rito dahil exam day at may mga nakaschedule pang examinees sa afternoon shift.
We went to University Scoop which is just a simple restaurant near UST. Napag-alaman naming na doon palaging naghahang-out ang mga Tigers. Sakto naman na ang inoooffer nila ay pasta, sandwich and burger na paborito namin ni JB.
We stayed there for almost one hour at pagkatapos ay hinatid na ako ni JB sa bahay namin.
"Thanks Tito and Tita. Mauna na po ako." paalam ni JB kina Mom at Dad.
Sa huling pagkakataon ay niyakap niya ako at sa harap pa 'yon nila Dad.
Halos mamula ang pisngi ko dahil sa kinilos na iyon ni JB. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon sa harap mismo nila!Tiningnan ko ang reactions nila Dad. Si Mom ay nakangiti lang na animo'y kinikilig na teenager at si Dad ay seryoso lang.
"Bye, Crissa. I'll text you when I got home."
"Take care sa pagdadrive." kumaway na ako at pumasok na sa bahay.
Inaasahan ko na magtatanong muli sila Dad sa akin tungkol sa status namin ni JB ngunit hindi naman nangyari 'yon. Nagpalit na ako ng damit at nagshower. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking kwarto para makapagpahinga.
Nakakapagod man ang araw na 'to pero iba yung dulot na saya na makitang masaya si JB na kasama ako at nandoon ang presence ko habang nag-eexam siya.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...