CHAPTER 22
"I-it's your choice...I mean, ikaw ang magdedesisyon niyan." simpleng sagot ko.
Nginitian niya lang ako. "Okay, I'll think about it."
Tiningnan ko ang oras sa cellphone. It's already 12:30AM. Hindi na namin namalayan na napahaba ang pag-uusap namin. Nagpaalam na ako sa kila Tita Esme at JD. Pansin ko rin kasi na inaatok na si JD at hindi rin syempre pwedeng mapuyat ng sobra si Tita Esme. Si Dad na ang hinayaan kong mag-end ng call.
Tinulungan lang namin saglit sa paglilinis ng pinagkainan si Manang. Noong una ay ayaw niya kami pakilusin pero wala rin siyang nagawa sa huli. Napansin ko rin na nalinis at naayos na ng mga staff ang stage at lugar na pinagganapan ng party.
"Saan kayo mag-iistay?" tanong ni Dad sa amin.
"Magsuswimming kami Tito!" masayang sabi ni Kufu.
Kanina pa siya excited lumangoy dahil siya lang ang naiiba ng suot na damit! He's wearing his rush guard already! Samantalang kami ay nakasimpleng damit at shorts lang.
"Okay, maiwan na namin kayo dito. Huwag kayong magbababad dahil baka magkasakit kayo." bilin ni Dad.
"Thank you Dad! Pahinga na kayo ni Mom. Advance goodnight!" hinalikan ko sila pareho ni Mom sa pisngi. Nauna nang pumunta ang mga kaibigan ko sa pool side.
"Walang magpapasaway huh? Pagkatapos niyo diyan, bumalik kayo sa kaniya-kaniya niyong kwarto. Walang matutulog na boys sa girl's bedroom, understood KC?" maawtoridad pa niyang sabi.
"Yes Dad. Don't worry!"
Umakyat na sila Dad sa kwarto nila. I know they're tired already. Sobrang aga nila gumising para mag-asikaso sa debut ko, ngayong tapos na ay kailangan nilang bumawi ng tulog at pahinga.Papunta na ako sa pinagtatambayan ng mga kaibigan ko nang mapansin ko si Manang, papunta rin sa gawi ko, may hawak na tray.
"Oh, Manang you're still awake? Dapat ay nagpapahinga ka na po. Amina po yan." kukuhanin ko na sana ang kaniyang bitbit nang may nauna nang kumuha non.
"Ako na." ani JB atsaka dinala ang tray papunta sa mga kaibigan namin.
"Dinalhan ko lang kayo ng snacks niyo para habang nagbabonding kayo ay may kinakain kayo. Aakyat na rin ako."
"Sige po Manang. Magpahinga na rin kayo. Kami na pong bahala rito."
Nginitian niya ako. "Enjoy kayo dito. Kayo na lang ang tao dito maliban sa staff. May security guard naman ang resort na 'to pero mag-ingat pa rin kayo."
"Thank you Manang! Good night po!"
Naabutan ko ang mga kaibigan ko na naglatag ng picnic cloth sa gilid ng pool, inaayos ang mga snacks. Nakita ko rin ang paparating na si Kufu na may dala-dalang softdrinks sa parehong kamay.
"MagkaUTI ka sanang lalaki ka!" sabi ni Cyia.
"Kaya nga kanina pa yan. Panay laklak ng softdrinks!" ani Jhenine.
"Hey ang sama niyo sa akin!" pagmamaktol ni Kufu. Kinuha niya ang isang plastic cup at lalagyan na sana ng coke nang biglang agawin 'yon ni Cyia.
Uh-oh...
"Ngayon ka lang ba nakatikim ng softdrinks huh?" sarkastikang tanong ni Cyia."Ginawa mo ng tubig yung coke eh!"
Ngumisi si Kufu. "Concern huh?"
"Huwag ka ngang assuming!" ani Cyia, pinipigilan na naman ang mainis.
Hindi ko naiwasang mapangiti roon. They're really look cute! Lalo na kapag pareho nilang inaasar o iniinis ang isa't-isa. Ugh, I really never thought na ang isang matured at seryosong Cyia ay nagagawang sabayan ang isang makulit, loko-loko at pilosopong Kufu!
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...