CHAPTER 12
Lumipas ang mga araw na nanatili lang ako sa bahay, sinusulit ang bakasyon. Minsan ay sinasama ako ni Dad sa dalawang restaurant namin para tumulong gaya na lamang ng pagbabantay sa mga staff. Naexperience ko ring maging cashier nang minsang umabsent ang cashier nila at kulang sa crew. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko lalo pa at kasundo ko ang lahat ng crew, hindi dahil sa anak ako ng may-ari pero dahil sadyang mababait talaga sila.
"Cous, hindi ka ba talaga makakasama sa amin bukas kila JB?" bungad ni Isselah sa akin isang araw ng bisitahin niya ako sa bahay. Bored na rin daw kasi siya sa bahay nila. Kaya heto siya at pilit akong kinukumbinsing sumama sa bonding kila JB, movie marathon again!
Umiling lang ako. Pinagpatuloy ko ang pinagagawa sa aking lay-out ng flyer ni Dad sa laptop ko. Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon.
"Pero bakit nga?" pangungulit niya sa akin. Nasabi ko na ang rason ko pero mukhang hindi siya naniniwala.
"Sinabi ko na sayo cous diba, busy ako kaya hindi muna ako makakasama, ngayon lang naman eh." hinarap ko sa kaniya ang laptop ko. "Nakikita mo oh, may ginagawa ako."
Napasimangot siya. "Pwede mo naman yata 'yan tapusin sa ibang araw eh. Ayaw mo lang talagang sumama." bulong niya pa, halatang nagtatampo na.
"Cous kailangan ko na 'tong tapusin hanggang bukas okey? Andami pa nito oh. Tsaka...nangako ako kay Dad na...hindi muna ako aalis ng bahay." sa wakas ay naamin ko! Sana ay tigilan niya na 'ko!
Nagulat siya sa sinabi ko. "Kaya naman pala eh! Bakit?"
"Eh kasi..." nangangapa ako ng maidadahilan. "Ahm, wala lang. Gusto ko lang tumulong sa business namin."
Totoo iyon. Gusto kong tulungan sila Dad at Mom sa pag-aasikaso sa restaurant namin, kahit ngayong bakasyon lang. Alam kong habang tumatagal ay mas nagiging mahirap ihandle iyon dahil sa patuloy na paglago. Lalo na ngayon na may panibago na namang branch na bubuksan.
"Yun lang ba talaga? O baka naman may iniiwasan ka?"
Napapikit ako. My cousin knows me well...
"See? Diba may iba pang rason?" aniya nang hindi ako makasagot.
Napabuntong hininga na lang ako. Tama siya dahil may iba pa akong rason.
"Dahil ba 'to sa nangyari noong graduation?" pangungulit niya pa rin sa akin, ang tinutukoy ay ang naging usapan namin ni JB sa restaurant.
Tumango lang ako. Tutok pa rin sa ginagawa ko. Hangga't maaari ay ayoko nang pag-usapan iyon. Pero heto ang pinsan ko at hindi yata matatahimik kapag hindi napag-usapan ang tungkol don.
"Naiintinidihan kita cous." napaharap ako sa sinabi niya.
"Masyado rin akong nabababawan sa rason ni JB. Pero siguro ganoon na talaga siya...masyado na siyang naattach sayo...to the point na ayaw niya na mahiwalay pa sayo." ramdam ko ang pag-iingat ng pinsan ko sa pagsabi roon.
"Hindi lang sa akin. Ayaw niya lang talagang mahiwalay sa ating lahat." sinadya kong diinan ang huling salita. Palibhasa ay si JB lang ang magtetake ng STEM sa aming lima, kaming apat ay ABM na lahat.
Natawa siya sa sinabi ko. "I know pero ikaw yung pinakarason, sus."
"At paano ka naman nakasisiguro?"
"Dahil iyon ang sinabi niya sa amin before!"
Gulat akong napaangat sa sinabi niyang 'yon. Napahawak ang dalawang kamay niya sa mismong bibig, batid kong nagulat rin siya sa nasabi.
"Hala! Nadulas ako!" huli na nang marealize niya iyon.
Gusto ko mang matawa sa reaksyon niya pero mas nangibabaw ang pagkakuryoso ko.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...
