CHAPTER 13

94 2 0
                                    

CHAPTER 13

[Cous, sabay na tayo pumunta kina JB gusto mo?] tanong ng pinsan ko ng tawagan niya ako.

"Hindi na cous, paalis na rin ako eh. Doon na lang tayo magkita."
"Sure ka?"

Natawa ako. Batid kong inaalala niya ako. "Ofcourse! Ano ka ba, okey lang ako. See you! Sasakay na 'ko!"

"Sige. Ingat cous!" iyon lang at binaba ko rin ang tawag.

Pagkababa ng tricycle ay nagdoorbell ako sa gate nila JB.

"JB baka nandiyan na si Isselah! Buksan mo yung gate!" rinig kong sigaw ni Jhenine. Ibang klase talaga 'tong kaibigan namin!

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni JB matapos akong pagbuksan.

"Y-you're here." halos hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako.

Don't tell me hindi niya inexpect na pupunta ako ngayon?

"Obviously JB! May bonding tayo right?" kaswal na sagot ko.

"Akala ko ay hindi ka makakapunta."

"Hindi sinabi ni Isselah sayo na naconvinve niya ako kahapon?"

Umiling siya. Napasapo ako sa noo ko. Gosh Isselah!

"So what now? Wala ka bang balak papasukin ako?" biro ko sa kaniya.

Gulat siyang napaangat ng tingin. "I'm sorry."

Tumawa ako. "Oy! You're so serious. Nagbibiro lang ako, ito naman!" pilit kong pinapagaan ang atmosphere naming dalawa. Despite ng nangyari, I don't wanna feel any tension or awkwardness between me and JB.

"I mean I'm sorry...about sa nangyari sa restaurant." nagbaba siya ng tingin. Ramdam ko ang kanyang sinseridad roon.

Inangat ko ang kaniyang mukha, pinapaharap sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang hindi inasahan ang ginawa ko. "It's okay. Pwede bang...huwag natin dito sa labas pag-usapan 'yon?"

Napabuntong hininga siya atsaka tumango. Pumasok na kami sa loob at gaya ng naging reaksyon ni JB ay nagulat rin sila Jhenine at Cyia nang makita ako.

"Para namang ayaw niyo na nandito ako!" nagtatampo kunwari at pabirong pasaring ko.

"Hala be, hindi 'yon ganoon! Hindi lang talaga kami makapaniwala na naconvince ka ni Isselah!" agad na depensa ni Jhenine.

Nakita ko nang matawa sila Cyia at JB.

"Wala ka kasing tiwala sa akin!" ani Isselah.

"Tama na yan! Manood na tayo." pag-aawat ni JB.

Tanging kami lang at ang kasamabahay ni JB ang nasa bahay nila ngayon dahil parehong nasa work sila Tito Ced at Tita Hazelle. Naghanda ang kasambahay nila JB ng merienda namin bago kami nagsimula sa panonood. Mayroon ring nakahandang mga chichirya na makakain namin habang nanonood.

"Sa room ko tayo manonood. Okey lang ba?" tanong ni JB sa amin.

Nagkatitigan kami nila Isselah at Jhenine.

"Okey lang naman JB!" agarang sagot ni Cyia, hindi na nagdalawang-isip pa.

Pagkarating namin sa kwarto ni JB ay kaniya-kaniya na kaming hanap ng pwesto ng mauupuan. Naamaze ako dahil sobrang linis ng kwarto niya!

Nagseset-up si JB ng flat screen TV nang biglang may inabot sa kaniya si Isselah na CD.

Nakita ko ang pagkakuryoso ni JB doon. "Ano 'to?"

"CD, hindi ba obvious?" pilosopong sagot ng pinsan ko. Natawa tuloy ako.

"I mean para saan 'to?" ani JB.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon