CHAPTER 27
Mabilis na lumipas ang panahon na hindi ko na rin namalayan na mag-aanim na buwan na simula ng manligaw sa akin si JD. At sa mga panahon na 'yon ay mas nakilala ko pa siya ng lubusan. May ibang mga bagay akong nadiscover sa kaniya gaya na lang ng mahilig sya sa sports lalo na ang basketball. He's also a swimmer. Nagulat rin ako nung malaman ko na Civil Engineer rin ang ititake niyang course sa college, same with JB. Feeling ko ay magkakasundo dahil doon.
Speaking of JB, after that talk, somehow I distanced myself to him. Kasi aminado ako sa sarili ko na nahihiya ako. Nasaktan ko siya, obviously. It's unintentional but still, he was hurt. But I can say that we're totally fine right now. Hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness sa kaniya. Bumalik na rin yung pagiging komportable namin sa isa't-isa.
Narito ako sa bahay nila Isselah, inimbitahan niya ako dito dahil nabobored daw siya. Wala kaming ibang ginawa kundi manood ng Netflix at kumain.
Netflix and chill.
Ineenjoy namin ang mga pagkakataon na hindi kami ganoon kabusy. Halos kakatapos lang rin kasi ng exam last week. Imagine after Christmas and New Year's vacation, pagbalik ng class ng January ay exam na agad!
"Cous, kamusta na kayo ni JD? Improving na ba?" biglang tanong ni Isselah. Hinarap niya ako habang kumakain siya ng snacks.
Napagdesisyonan kong sabihin na sa kaniya ang gagawin kong isang malaking desisyon sa buhay ko. Dahil kung meron mang isang tao na pinagkakatiwalaan ko ng sobra, siya 'yon dahil pinsan ko siya.
Pinsan na, bestfriend pa.
"Sa six months na panliligaw at getting to know each other stage namin cous, aaminin kong naging masaya ako do'n. I feel like totoong tao ako kapag kasama siya, well yes, maliban sa inyo na nakakakita ng totoong ako." pagkukwento ko sa kaniya.
"You are genuinely happy whenever he's around, when you're with him. I can see that, cous."
Agad ko naman siyang sinang-ayunan. "Sobra. He always makes me happy and laugh. And I think 6 months are already enough. Nakapagdesisyon na 'ko. He deserve the chance."
Bigla akong niyakap ng pinsan ko. "I'm so happy for you. Just please, always protect your heart, huh?" she reminded me.
"Ofcourse, I am and will always do."
"Kailan mo pala siya sasagutin? Naeexcite na 'ko! Like naiimagine ko na yung reaction ng mokong na 'yon!" sobrang hyper na sabi niya.
Nagulat naman ako sa tinawag niya kay JD. "Mokong? Si JD?"
Napatakip at napatampal naman sa bibig si Isselah. Nagpeace sign pa. "Hala. Sorry. Hehe."
"So close na rin pala kayong dalawa?" pinaningkitan ko siya ng mata.
"Medyo lang naman. Like ginagamit niya ako kapag plano niyang isurprise ka, gano'n."Namilog ang mata ko roon.
What a term?! Ginagamit.Natawa ako roon. "Hindi naman masama loob mo sa lagay na yan ah? Ginagamit pa nga."
Napanguso siya dahil doon. "Oo! Totoo naman!"
"Sige, pagsasabihan ko siya." pagbibiro ko.
"Hala, wag! Hindi naman big deal 'yon." pagkoconvince niya.
Dumating ang February at hindi naman kami ganoon kaabala sa acads dahil puro seminar at events lang ang pinagkaabalahan namin. Mahigit dalawang buwan na lang ay gagraduate na kami ng Senior High School.
"Cous, may napapansin ka ba kina JB at Jhenine this past few days?" biglang tanong sa akin ng pinsan ko.
Narito kami sa restaurant namin na malapit lang sa campus namin. Dumiretso kami dito pagkauwian para bumisita at kumain.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...