CHAPTER 29
My Mom's birthday came and the celebration went well. Except for the fact that Jan Drew didn't came which wasn't in the plan. We are expecting him to come with Tita Esmeralda but there was an emergency. Tita Esme is sick this past few days according to my boyfriend so maybe that's the reason why he didn't showed up. Wala namang problema do'n at naintindihan nila Mom 'yon kaso nga lang naisip ko na parang nasayang...yung hindi pagpunta rin ni JB.
Nakaupo lang ako sa reserve seat naming magkakaibigan habang tumitingin-tingin sa cellphone ko. Sabi ni JD ay tatawagan niya ko ng ganitong oras pero hanggang ngayon ay wala pa. Ayokong mag-overthink pero hindi ko maiwasan lalo na't ramdam ko na may kakaiba at nagbago sa kaniya simula last week.
Umiling ako sa naiisip ko. No way, imposible. Paranoid lang siguro ako.
"Oh, akala ko ba hindi makakaattend si JB, Crissa?" napaangat ang tingin ko ng biglang magsalita si Jundee sa tabi ko.Namilog ang mata ko ng makita ang papalapit na si JB sa pwesto namin. He looks dashingly handsome in his blue formal suit!
Napakurap-kurap ang mata ko ng makita kong inalalayan niya si Jhenine, nakapulupot ang braso sa kaniya.
"Crissa, where's Tita? Gusto ko na bumati." iyon agad amg bungad ni Jhenine sa akin. Bumeso siya sa akin, ginantihan ko 'yon at ngumiti lang sa kaniya. Nakita ko naman ang pagyakap niya kay Jundee. May binulong pa.
"Mamaya ka na bumati kay Mom, nasa dressing room siya."
"Okay. Nga pala nandito si JB."
"Oo, nine. May mata kami." pambabara ni Kufu.
"I mean, magpasalamat kayo sa'kin dahil naconvince ko siyang sumama!" ani Jhenine.
"Sino ba kasing nagsabing pilitan siyang sumama?"
Sumabat na si JB doon. Tumabi siya kay Jhenine na katabi rin ni Jundee. "Dude, sabihin mo lang kung may galit ka sa'kin at kung ayaw mo kong makta dito."
Humagalpak ng tawa si Kufu. Wala ng pakialam sa makakakita sa amin. Nakakahiya.
"I'm just kidding. Pwede na ba 'kong maging artista?"
"Hindi. Hindi ka bebenta sa masa." diretsahang sabi ni Cyia na katabi ko.
"Ouch. Foul." ani Kufu, umakto pa siyang parang nasasaktan. Abnormal talaga.
Natapos ang celebration na halos magmimidnight na. Hindi na umuwi ang mga kaibigan ko dahil delikado na rin bumyahe. So, we stayed in our hotel. Hinayaaan at pinagkatiwalaan kami nila Dad na magsama-sama sa iisang room pero nakahiwalay ng kwarto ang boys sa aming girls. Nagpahinga na agad kami pagkarating ng hotel namin, pare-parehong pagod.
Mag-aalas dose na pero hindi ako makatulog. Nakapikit lang ako. Tulog na ang mga kasama ko. Hindi ako mapakali sa pwesto ko kaya naman bumangon na ako bago ko pa magising ang mga kasama ko.
Binitbit ko ang cellphone ko pagkalabas ko ng kwarto. Nagtaka naman ako ng makitang bukas ang ilaw sa balcony. Sa pagkakaalala ko ay pinatay namin 'yon!
Dumiretso ako roon para tingnan kung may tao. At hindi ako nagkamali roon."JB..." nakatayo at nakatulala siya roon, parang ang lalim ng iniisip.
Ang totoo niyan ay gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga narinig ko sa usapan nila ni Isselah noong nakaraan. Naging busy lang ako sa preparation ng birthday ni Mom pero hindi iyon nawala sa isip ko. Naghahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo.
Tumingin siya sa wrist watch niya. "It's already late. Matulog ka na."
"I can't sleep. Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?"
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...