CHAPTER 36
It has been 3 months since JB's accident happened and after that, everything went well. Naging abala sila nila Kufu sa pag-aaral since last year na nila. Napag-alaman ko rin na after no'n ay magpeprepare sila sa pagrereview at magtetake ng board exam.
Year from now, may mga Engineer na akong kaibigan. Manifesting.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, hija." paalala ni Manang Letty sa akin.
Papunta ako sa restaurant slash milktea shop namin. Last month lang nang ipinamana na nila Dad sa akin iyon. Kung dati ay restaurant lang iyon, ngayon ay may katabi na rin iyong milktea shop na pag-aari ko na rin. Inimprove ko lang 'yon. Ito muna ang pinagkakaabalahan ko.
Wala pa akong balak na mag-apply sa airline na pinapangarap ko dahil nakipagbargain ako kay JB na sabay kaming magtatrabaho. Ayaw niya sa idea ko na 'yon pero napilit ko rin naman siya. Wala na siyang magagawa dahil desidido na ako. Atsaka, iniisip ko rin 'tong milktea shop dahil kauumpisa lang rin nito.
Naisip ko rin na ba naman yung hintayin ko si JB ng isang taon diba?
Pinark ko ang BMW na sasakyan ko sa tapat ng restaurant. Sinalubong naman ako ng staff ko nang makapasok ako sa milktea shop. Sa labas pa lang kanina ay pansin ko na maraming customer doon. Nilibot ko ang tingin sa buong palagid at nanlaki ang mata ko nang mahagip ng mata ko si Tita Esmeralda na nakaupo sa dulo.
"Ma'am, kanina pa po pala yan si Ma'am Esme. Hinihintay ka po." ani Aleya, ang nakaassign na supervisor ng milktea shop na ito. Siguro ay napansin niya kung sino ang tinititigan ko.
Tinanguan ko lang siya at sinabing ako na ang bahala mag-entertain dito.
Ano naman kaya ang rason kung bakit siya napadpad dito? At hinihintay niya ako, ano naman kaya ang pakay niya sa akin?
Naglakad ako papunta sa pwesto niya. Naramdaman niya siguro na papalapit ako sa pwesto niya kaya nag-angat na siya ng tingin. Nginitian niya ako at ginesture niya na maupo ako.
"Hello, Tita. First time ko po kayong nakita dito. Hinihintay niyo raw ako, bakit po?" wala ng paligoy-ligoy na ani ko.
Simula nang malaman ko na hindi niya totoong anak si JD ay hindi ko na siya nakita o nakausap pa. Kaya naman hindi ko maiwasang magtaka sa biglang pagsulpot niya dito. Ang alam ko ay maayos pa rin naman ang pakikitungo ni JD sa kanya, ang totoo niyan ay binibisita pa siya nito sa bahay nila noon.
Noong last month naman ay napagdesisyunan na ni JD na lumipat na sa bahay nila JB. Hindi ko makakalimutan kung gaano kasaya sina Tito Cedrick at Tita Hazelle, ang biological parents ni JD noong welcome party niya. Ganoon rin si JB, first time kong makita na teary-eyed at the same time sobrang saya niya. Ramdam ko yung pangungulila at galak ng family niya na makasamang muli ang kambal niya.
"I'm sorry, hija."
Napakunot ang noo ko roon. "Bakit po kayo nagsosorry? Wala naman po kayong kasalanan."
Aminado akong gaya nila JD, Dad at iba ko pang kaibigan ay dismayado rin ako sa nagawa niya noon. Hindi ko lang talaga inasahan na magagawa niya ang bagay na 'yon. Pero kahit kailan ay hindi ako nagsalita ng masama tungkol sa kanya. A part of me wanted to understand why she did that. Iniisip ko na lang siguro ay sa sobrang kagustuhan na magkaroon ng anak ay sinamantala niya ang pagkakataon kaya hindi niya na binalik pa si JD sa mga magulang nito tutal ay siya naman ang nagligtas dito.
"Pakiramdam ko kasi gaya nila Jan Drew ay galit ka sa akin."
Inilingan ko siya. Gusto kong malaman niya na hindi ako galit. Kung mayroong mang may karapatang magalit dito, sina JD 'yon at hindi ako.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...