CHAPTER 26
Habang nasa byahe pauwi ng bahay ay nagchat ako sa group chat namin para imbitahan ang mga kaibigan ko na mag-usap at magbonding kami. Lahat naman sila ay pumayag dahil wala naman silang ibang ginagawa.
Pagkauwi ko ng bahay ay nandoon na sina Jhenine, Isselah at JB. As expected, mabilis lang rin sila nakarating sa bahay dahil malapit lang sila sa amin.
Hindi ko na sana pabababain ng sasakyan si Jan Drew pero nagpumilit siya. Gusto niya ay maihatid ako hanggang loob ng bahay. Kaya naman ang ending, nameet niya na ang mga kaibigan ko. Biglaan. Hindi ito ang nasa isip at plano ko ng paraan ng pagpakilala ko sa kaniya sa mga kaibigan ko!
Naabutan namin ni JD sina Isselah sa sofa na nag-uusap. Pagkabukas ng pinto ay sabay-sabay silang napalingon sa dirkesyon ko. Bigla namang tumunong ang doorbell.
"Sina Jundee na 'yan for sure." ani Jhenine, titig na titig sa kasama ko.Magkakasabay na dumating sina Cyia, Kufu at Jundee. Halatang nagmamadali sila dahil hinihingal si Kufu.
"Ang bagal kasi kumilos nito ni Kufu kaya ngayon--" napatigil si Cyia sa pagrereklamo nang makita niya ako at ang kasama ko.
"Uy pre, ikaw yung JD diba?" feeling close na agad si Kufu! Nakipagshake hands agad siya. Tinanggap naman 'yon ni JD.
Nakita ko ang pagsiko ni Cyia sa kaniya. "Behave Kufu, please lang wag kang bida-bida." bulong pa niya rito. Ngumuso lang si Kufu at nanahimik na.
Inisa-isa kong pinakilala ang mga kaibigan ko kay JD at lahat naman ay nakipagshake hands sa kaniya. Halatang mga interesado rin lalo na si Isselah.
"Guys, meet JD. Siya yung nakavideo call ko nung birthday ko, remember?" pagpapaalala ko sa kanila.
Nakita ko naman ang pagtango nila. Pansin ko naman ang pananahimik ni JB."Nice to finally meet you all. Like Kazzi said, ako yung kausap niya sa video call noon. New friend and...I'm her suitor." nginitian niya ang mga kaibigan ko. Para bang proud siyang sabihin na manliligaw ko siya.
Nakita ko ang labis na pagkagulat nila sa sinabi ni JD.
I'm doomed.
"So, mauna na ako sa inyo ah. I'm really happy na nakilala ko kayo personally." paalam ni JD at pagkatapos ay hinarap ako.
I was about to say my goodbye to JD when he suddenly hug me.
In front of my bestfriends.I blinked my eyes and froze for a moment.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa gulat sa biglaang pagyakap niya sa akin o sa kaba sa kung anong iisipin ng mga kaibigan ko.
Akala ko ay doon na 'yon natatapos pero hindi ko inasahan ang sumunod pang ginawa ni JD.
He gently kissed me on my forehead and whispered, "Thank you for giving me a chance. I hope I made you happy today. See you soon." he smiled again.
That genuine smile.
Narinig ko ang pagsinghap at pag-ubo ng mga kaibigan ko lalo na ni Kufu. Pakiramdam ko ay sinadya niyang laksan ang pag-ubo!
I finally say my goodbye to JD. Pagkasarado ko ng pintuan ay hinarap ko na sina Isselah na mariin ang pagtitig sa akin.
Pinag-stay ko muna sila sa sofa habang nagpapalit ako ng damit sa kwarto. Manang Letty prepared their snacks.
Pagkababa ko ay nakita kong abala silang kumakain at nag-uusap. Tinabihan ko si JB since bakante ang upuan na nasa tabi niya.
"Tanungin niyo na 'ko. Anything. I'll answer it honestly." seryosong sabi ko. Ayoko ng magpaligoy-ligoy.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...