Chapter FIVE

158 3 0
                                    

CHAPTER FIVE

Magaalas-dose na pero hindi pa rin ako makatulog. Tapos ko nang gawin ang lahat ng dapat kong gawin lalo na ang pagrereview para sa mga test bukas ngunit kahit anong pilit at paulit-ulit kong pinipikit ang mga mata ko para makatulog ay paulit-ulit rin akong nabibigo. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni JB lalo na ang huli na nagpakuryoso at nag-iwan ng katanungan  sa aking isip...

It would be an honor to finally meet the parents of the person I cared the most right now...

Anong ibig niyang sabihin doon?

Hindi ko alam ang mararamdaman... August ko siya nakilala at March na ngayon. Ibig sabihin ay mahigit pitong buwan na kaming magkakilala. At kahit ganoon pa lang katagal kaming magkakilala ay tinuturing ko na siyang malapit na kaibigan sa akin gaya nila Isselah at Jhenine. Bestfriends ko na nga lang ang dalawa...at siya ay hindi pa. Pero alam kong doon din iyon papunta. Lalo na't habang tumatagal ay mas nakikilala namin ng lubusan ang isa't-isa. 

Kahit late na ako nakatulog ay nagawa ko pa ring gumising ng maaga. Inasikaso ako ni Manang Lety.

"Manang, alis na po ako. Pakipaliguan po si Blossom mamaya pagkagising niya. Salamat po!" paalam at bilin ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Sige hija. Ingat ka sa byahe. Ako nang bahala sa alaga mo." ani niya.

Hindi ko na inabala pang ihatid ako sa labas ni Manang. Nakalabas na ako at akmang isasarado ko na ang lock ng gate namin nang bigla akong napatili dahil sa may nagtakip ng mata ko! Omyghod, pakiramdam ko nagising ko ang mga kapit-bahay! Mag-aalas syete pa lang! Nakakahiya...

Tinanggal rin niya ang pagkakatakip sa mata ko at nang humarap ako ay gulat akong napalingon sa kung sino ang nakita ko.

"Myghad Brix!" medyo pasigaw na ani ko, seryoso. "Anong ginagawa mo dito? Nakakainis ka pinakaba mo ako!" pinaghahampas ko nga siya sa dibdib!

Humalakhak lang siya sa akin. Ngiting-ngiti ang loko, na para bang nagsucess siya sa pantitrip niya sa akin!

"Good morning!" nakangiting ani niya. "I'm sorry, hindi ko naman alam na may pagkanerbyosa ka pala." tumawa na naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad. Aalis na ako, baka malate pa ko dahil sa ginagawa niya!

"Wait Crissa!" pagpipigil niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko dahilan para lumingon ako sa kaniya.

"What? Malelate na tayo. Ano bang trip mo?" pagtataray ko.

"I'm here to...pick you up." seryoso na ang loko! Tinitigan ko siya, sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. Bigla niyang iniwas ang tingin sa akin. Napangiti tuloy ako. Mukhang nahihiya ang loko!

"Okay. Tara na! Magkocommute lang tayo. Baka traffic pa Friday uy!" nagmamadaling ani ko.

"No...I mean. Hindi tayo magkocommute. Nandyan yung kotse namin." tinuro niya ang sasakyan na nakapark hindi kalayuan sa bahay namin. Napalingon ako doon."Ihahatid tayo ng driver namin. Let's go?" Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta roon. Pinaghintay na naman namin ang driver nila! Kahiya!

Fifteen minutes lang ay nakarating agad kami sa school. Sabay kaming pumasok ng room ni JB. Sinalubong agad kami nila Jhenine at Isselah. Nagkatitigan pa silang dalawa at kuryosong sinuri kaming dalawa ni JB. Batid kong nagtataka sila kung bakit bitbit ni JB ang iba kong gamit at sabay pa kaming pumasok.

"Anong meron at sabay kayong dalawa?" pag-uusisa ni Jhenine.

Si JB na ang sumagot. Umupo na kaagad ako sa upuan ko. Ayokong pag-usapan pa 'yon dahil wala lang naman iyon sa akin. Pero base sa reaksyon ng pinsan at bestfriend ko, halatang binigyan nila iyon ng malisya.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon