CHAPTER 14
"Hindi mo ba ako tatanungin kung kailan o bakit ako nagkagusto sayo?"
"Hindi na kailangan JB."
"Because you're not interested?" he gave me a fake smile.
Napailing ako. "Hindi. Kasi kahit ano pang sabihin mo, hindi non mababago yung prinsipyo ko."
Nakita ko ang paglaylay ng balikat niya nang sabihin ko 'yon. Ayoko mang sabihin sa kaniya 'yon pero sa tingin ko ay iyon lang ang paraan para matulungan siya para hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya sa akin. Tanging pagbuntong hininga lang ang sinagot niya sa akin.
"I think I should go--"
"Should I regret now that I'm your bestfriend and you're mine?
Napatingin ako sa kaniya, halos hindi makapaniwalang sasabihin niya 'yon sa akin.
"No, kasi kapag nangyari 'yon..." nagbaba ako ng tingin, trying not to show him how his words affect me. "Para mo na ring sinabi na...hindi ako karapat-dapat maging kaibigan ng isang katulad mo. Na para bang pinagsisihan mong...nakilala mo pa ko."
Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi inaasahan na ganoon ang naging epekto sa akin ng binitawang salita.
"It's not like that. I'm sorry." he's trying to hold my hand. But I refuse to.
This is the first time that I found a guy friend. We've been friends for almost 2 years now. And from the very start, I considered him already as my first boy bestfriend. God knows how thankful I am that met him, that I have him....but hearing those words from...it hurts.
"Sorry rin...kasi nang dahil sa prinsipyo kong 'to, hindi ko kayang tapatan 'yang nararamdaman mo sa akin. Pero sana maisip mo rin na hindi rin 'to madali para sa akin." seryosong sabi ko. Malungkot akong nag-angat ng tingin. "Rejecting someone's confession has never been easy...especially when that person is important and special to you."
"I understand. Im sorry if I made you feel this way."
"Thank you for always understanding me JB." I gave him a small smile.
He suddenly stood up infront of me. "Can I hug you?"
Halos mamilog ang mata ko. I didn't expect him to ask me for a hug. Like we're not used to it. Isang beses pa lang namin nayakap ang isa't-isa at 'yon ay noong 14th birthday niya. That was 2 years ago!
"You don't want me to hug you?" aniya nang makitang hindi ako nagresponse sa sinabi niya.
"No, it's just that--"
"It's just that...you're not comfortable to hug me after...I confessed to you?" he gave me a teasing smile.
Paano niya nahulaan ang nasa isip ko?
"JB naman nakakainis ka!" tumayo na ako at hinampas ko ang braso niya.
Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon? Like gosh, awkward!
Hindi niya napigilang matawa sa naging reaskyon ko. Mas lalo tuloy akong nainis! Sinamaan ko lang siya ng tingin atsaka akmang tatalikuran siya ng bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya at yakapin. "Hey, don't be mad. I just really miss you." he whispered.
Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. "I miss my bestfriend too."
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya nang saktong kumatok si Isselah.
"Okey na kayo?"
Pareho kaming nagkatinginan ni JB.
"Yes." hindi ko inaasahang sabay namin iyong sasabihin.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...