CHAPTER 28

109 4 1
                                    

CHAPTER 28

Pagkauwi ko ng bahay ay bumungad sa akin si Dad na nakangiti. Handa na akong masermunan dahil medyo late na 'ko nakauwi at hindi ko natupad ang usapan namin sa oras ng pag-uwi ko ngunit hindi niya naman ako pinagalitan.

Siguro ay nakita niya na ang post ni JD sa Facebook. He asked me earlier if he can post a picture of us and tell his friends about us. Hindi ko naman inakala na through post niya ipapaalam sa mga kaibigan niya na sinagot ko na siya. Nakapublic pa ang post niya. Ang lakas talaga ng loob, feeling proud pa!

"I can't believe that my unica hija has a boyfriend now." emosyonal na sabi ni Dad pagkatapos bumitaw sa yakap ko.

"C'mon Shaun, stop the drama!" natatawang saway ni Mom. Papalapit sa pwesto namin.

"Congrats, anak." she kissed me on my cheeks. I did the same. "Thank you, Mom."

"Just know your limit KC, okay? I trust you and especially JD. Alam niyo na ang dapat at hindi dapat gawin." pangaral at pagpapaalala sa akin ni Dad.

Mabilis ko 'yong tinanguhan. "I promise, I will be a good and responsible girlfriend. I also trust JD, hindi iyon gagawa ng kalokohan. Takot niya na lang sa inyo, Dad." natawa ako sa huli kong sinabi.

"Then we're good."

"Kapag may problema kayo ni JD, huwag kayo mahihiyang magsabi sa amin ng Dad mo ah. We'll guide both of you, understood?" sabi naman ni Mom.

Napangiti at tumango ako roon. Sobrang natouch ako. They are very supportive. Hindi-hinding ko aabusuhin ang kabaitan nila sa akin. And I won't really disappoint them.

Nagdinner kami at nagulat ako sa mga nakahain sa hapag-kainan. Nag-order si Mom ng mga paborito kong seafoods. Pagkatapos kumain ay nag-asikaso at nagshower na ako. Umakyat na rin agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Tumawag lang si JD para tanungin ang reactions ng parents ko at naggodnight na rin siya. Kailangan niya rin kasi magpahinga na dahil maaga raw ang alis nila ni Tita Esme bukas. May mahalaga raw silang pupuntahan.

Mag-ooffline na sana ako kaso naisipan ko munang bumisita sa Twitter para maki-update sa pagpafangirling ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakapagtwitter.

Nagulat naman ako sa bumungad sa feed ko.

jann brix @jbdiaz
mula ngayon, pinapalaya na kita.

Chineck ko kung kailan niya iyon tinweet at nakita ko na ngayong gabi lang 'yon. Halos magkakalahating oras pa lang ang nakalipas.
Puro kaibigan lang rin namin ang nagreply doon. Nahagip naman ng mga mata ko ang reply ni Jhenine.

Jhenine Montes @itsmejhenine
finally. u deserve to be happy. yung usapan natin bukas, fetch me ah. hehe goodnight!! ;)

Nagreply rin doon si JB.

jann brix @jbdiaz
thank you nine. see you tom!! take care. :)

Hmm. So, totoo nga talaga ang sinabi ng pinsan ko na close na talaga sila.

We'll that's good.

Naging mabilis ang paglipas ng panahon at nakaisang taon na kami ni JD. We celebrated our first anniversary in Intramuros last week. Iyon ang napagkasunduan naming puntahan dahil pareho naming gusto makapunta roon.

Matagal ko ng pangarap na makapunta roon. Kung hindi man  ang family ko, gusto ko kahit kaibigan ko o ang taong gusto ang kasama ko roon. And it really did happen.

JD always makes me feel special, kahit hindi namin monthsary or anniversary. Pero alam kong extra special ng isang celebrate namin ang anniversary namin dahil pareho kaming masaya na umabot na kami ng isang taon. We enjoyed each others company during that day. Nilibot namin ang buong Intramuros. We made another good memories there.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon