CHAPTER 11
"Cous, natagalan yata kayo ni JB." bungad ng pinsan ko nang salubungin ko sila. Nakapwesto sila sa likuran ng bahay nila JB, malapit sa garden.
Napansin kong halos lahat ng kaklase namin ay naroon. Kaniya-kaniyang kumpulan, nakaupo at nakapalibot sa bilog na table. Lahat ay nagkakasiyahan. Ang iba ay busy sa pagbivideoke, ang iba naman ay nagkukwentuhan lamang.
"Oo nga eh. Ang kulit kasi ni JB." pagdadahilan ko.
"Bakit? Anong nangyari?" pag-uusisa ni Jhenine.
Napaiwas ako ng tingin. "Wala."
Nagkatinginan lang silang tatlo nila Isselah at Cyia. Batid kong curious na sila.
"Enjoy eating! Magpakabusog kayo. Huwag kayong mahihiya, okey? " ani Tita Hazelle nang dumalo siya sa pwesto namin.
Naserve na sa amin ang mga pagkain."Thank you po Tita! Kain na rin po kayo." ani Isselah. Nginitian lang siya ni Tita Hazelle atsaka nagpaalam nang aasikasuhin ang iba pang bisita.
"Guys thank you so much sa pagpunta. I didn't expect na halos lahat kayo ay makakapunta. I'm so thankful na nakilala ko kayong lahat. Kahit transferee lang ako ay mabilis ko kayong nakasundo lahat. I hope nag-enjoy kayo! See you sa next school year! Ingat kayo sa pag-uwi." iyon ang naging mensahe ni JB sa amin bago matapos ang simpleng selebrasyon para sa kaniyang 15th birthday.
Nagpaalam na kami kila Tito at Tito bago umuwi. Magaala-sais na rin, hanggang 6PM lang ang paalam ko kila Dad. Dapat ay makauwi ako ng on-time. Ayokong isipin ni Dad na inaabuso ko ang kabaitan niya. Ngayon lang siya naging medyo maluwag sa akin. Noon ay hindi ko siya magawang mapapayag sa mga ganito. Susubok pa lang akong magpaalam ay bigo na ako. Naunahan na niya 'ko.
Nag-insist si JB na ihahatid kami. What's new? Sanay na ako roon. Pero ibang usapan 'yong ngayon. Birthday niya at dapat hindi na siya nag-aabala pa.
"JB, kami na lang. May tricycle naman diyan eh." pagpigil ko sa kaniya.
"Hindi, okey lang. Gusto ko kayo ihatid." pagpupumilit niya.
"Magpahinga ka na lang. Kaya na namin ang sarili namin. Sige na, bye." sinenyasan ko sila Isselah na mauna nang lumabas ng gate.
"Okey. Hindi na kita pipilitin."
"Thank you." nginitian ko lang siya at naglakad na palabas. Sakto naman na may nakaabang ng tricycle. Nagkasya naman kami dahil apat lang kami.
"Ilang taon na nga pala si JB honey?" tanong ni Mom habang kumakain kami ng dinner.
"Kakafifteen niya lang po today Mom."
"Oh, so he's older than you pala."
"Yah, 3 months older than me. Why Mom?"
"Nothing. Akala ko kasi mas matanda ka sa kaniya." natawa siya sa huling sinabi niya, na para bang nang-aasar.
Napakunot ang noo ko. "Mom! Mukha ba akong matanda?" napanguso ako.
Hindi nakaiwas sa pandinig ko ang pagpipigil ng tawa nila Dad at Manang Lety.
"Hindi ganoon ang ibig sabihin ng mommy mo." ani Manang Lety.
Napanguso ako lalo. "Ganoon na rin 'yon."
Tinapos ko na agad ang pagkain ko. Patapos na rin naman sila pero mauuna na ako. Akmang tatayo na sana ako para ligpitin ang pinagkainan ko nang biglang magsalita si Dad.
"Nagbibinata na si JB, I'm sure may nagugustuhan na 'yan ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang banggitin iyon?
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...