CHAPTER 31
I'm with Isselah and Cyia right now. We just arrived here at mall. Niyaya kaming magpinsan ni Cyia dito para maghanap ng susuotin sa birthday ni JB. Hindi naman na kailangan 'yon dahil may susuotin na ako pero masyadong mapilit si Cyia.
Sagot niya na raw ang pambili basta samahan namin siya.
Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya at libre?
Nag-ikot kami sa buong mall at inabot kami ng halos dalawang oras sa paghahanap ng susuotin na babagay sa theme naming girls. When it comes to fashion sense, sa aming magkakaibigan, si Cyia ang maalam at expert sa ganoon. Actually, silang dalawa ni Jhenine. Sadyang mas mahilig lang magmall 'to si Cyia.
Pagkatapos makabili ng susuotin namin ay kumain lang kami sa isang fastfood chain at umuwi na rin kami.
Nang makauwi ako ay agad na hinanap ng mata ko sina Mom at Dad. Sabado ngayon at rest day nila pareho. Simula ng nagkasakit si Dad ay naglie-low na rin siya sa pagmamanage ng business namin. Bali si Mom na ang nagmamanage no'n, minsan ay tumutulong ako sa pamamagitan ng pagbisita at pagcheck sa staff namin sa restaurant na malapit sa university ko. Minsan rin ay ako ang nag-iinventory ng mga products at nagrereport kay Mom about sa expenses. Ginaguide naman ako ng supervisor ng restaurant namin.
Tatlo ang branch namin kaya sobrang busy rin ng supervisor dahil sa kanya lahat nakaasa ang tatlong branch. Kaya nag-insist na rin talaga akong tumulong since may knowledge naman ako about sa inventory at pagkocompute ng expenses dahil ABM ang tinake ko nung SHS ako.
"Manang, umalis ba sila Mom?" iyong ang bungad ko pagkauwi ko.
"Hindi, hija. Nasa taas lang sila. Akyatin mo na lng do'n. Kumain ka na ba?"
"Yes po, kumain na kami bago umuwi. Akyat na muna 'ko, Manang."
Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng mapansin nakaawang ang pinto ng kwarto nila Dad.
Don't tell me they forgot to locked it?Lumapit ako do'n at sinilip ang nakabukas na pinto. Narinig ko naman na seryosong nag-uusap sina Mom at Dad.
Babalik na sana ako sa aking kwarto dahil alam kong masama ang mag-eavesdropping ng biglang marinig ko na banggitin ni Mom ang pangalan na halos isang taon ko ng hindi naririnig.
JD...
Why Mom suddenly mentioned his name?
Narinig ko rin ang pangalan ni Tita Esmeralda roon. Base sa boses nila Mom ay para bang seryosong-seryoso ang pinag-uusapan nila.
I feel like there is something wrong.
"I can't believe this Shaun. Bakit hindi man lang natin nahalata 'yon? All this time may ugnayan pala sila." ramdam ko na ang pagiging problemado ni Mom.
Sino naman kaya ang tinutukoy ni Mam doon?
Hindi ko naman pwedeng itanong 'yon kina Mom. Baka isipin pa nila ay nakikinig at nangingialam ako sa usspan ng matatanda.
Maybe I can find the answer by my own self. I'm really curious about it.
JB's special day came. Sabay kaming pumunta doon ng pinsan ko dahil nasa iisang sasakyan lang kami. Pagkarating namin ay naabutan namin doon sina Jhenine. Mas nauna silang nakarating sa venue.
The party starts around 6PM and we're all completed. Nandoon ang pamilya at kamag-anak ni JB, kaming mga kaibigan niya simula high school at mga bago niyang kaklase ngayong college.
The program went well. May mga waiter na nagserve ng foods at drinks sa amin. Sobrang asikaso kami the whole time. Magkakasama kami sa iisang bilog na lamesa na pinareserve ni JB para sa aming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
'Til I Fall For You
Teen FictionKazzi Crissa Mendes, a simple, friendly and family-oriented girl who has a strict parents, especially her father, was raised with so much principles about love, family, friendship and priorities, tried her best to stick to it and not eat her own wor...