CHAPTER 15

99 3 0
                                    

CHAPTER 15

Ang tinutukoy niyang nangyari noon ay yung after enrolment, sa sobrang excitement na makita ang building namin ay nilibot namin ang campus ng SHS. Madali naming napuntahan ang room namin nila Cyia na nasa 5th floor dahil may elevator doon. Pero nang makarating kami sa room ni JB ay bigla akong inatake ng asthma ko dahil sa naghadan lang kami hanggang 4th floor. Wala kasing elevator doon since hanggang ikaapat na palapag lang 'yon.

Noong araw na rin iyon na lang ulit ako inatake ng hika ko, matagal na rin kasi akong hindi sinusumpong. Siguro dahil na rin sa sobrang init at pagod kaya nagtrigger ito. Hindi naman malala 'yon at nakainom rin agad ako ng baon kong gamot. Hindi ako gumagamit ng inhaler dahil mas hiyang ako sa salbutamol.

Doon ko mas napagtanto na ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Ramdam ko ang concern nila sa akin noon, lalo na ni JB. At hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging impact non sa kaniya ngayon.

"Thank you JB." nakangiting sabi ko.

Gaya ng napagplanuhan namin ay sa room kami nila JB kumain ng recess. Hindi naman pinagbabawal na may pumasok na ibang estudyante roon.
Pagpasok namin doon ay pinagtitinginan kami ng mga kaklase ni JB, pansin ko na mas marami ang kaklase niyang lalaki kaysa babae. Nginitian lang namin ang mga ito.

"Oh JB! Akala ko ba pupun--" napatigil ang isang kaklase niya nang makita kaming apat nila Isselah. "Hi!" pagbati niya sa amin.

"Hello!" Jhenine being friendly. Kinawayan at nginitian lang namin ito nila Isselah at Cyia.

"Dude, sila yung tinutukoy ko sa inyo na mga kaibigan ko. This is Jhenine, Cyia and Isselah." tinuro niya ito isa-isa. "And this is Crissa." huli niya akong tinuro. "They're my bestfriends but Crissa is--"

"Siya yung tinutukoy mong nagugustuhan mo diba?" ani isa niyang kaklase, siya yung nakita namin na pinagpaalaman ni JB kanina.

Nagulat kaming lahat nila Isselah don. Nahihiya akong nagbaba ng tingin. Ramdam ko kasi na parang inaasar si JB ng kaibigan niyang 'yon! Nakita ko rin ang pagkagulat ni JB, hindi siguro inaasahang sasabihin ng kaibigan niya ang tungkol doon.

"Kufu, manahimik ka nga diyan." rinig  kong bulong at saway nung isa nilang kaklase.

"Guys, they are my friends here. This is Jundee." pagpapakilala niya sa amin doon sa sumaway kay Kufu. Kinamayan niya kami isa-isa kaya ganoon rin ang ginawa namin.

"And this is Kufu." tinuro niya ito. "Pagpasensiyahan niyo na medyo maloko yan eh!"

"Dude naman..."  napakamot sa ulo niya si Kufu. Tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya. Nahihiya niyang inabot ang kamay niya sa amin para makipagshake hands at tinanggap naman namin iyon.

Sabay-sabay kaming nagrecess sa loob ng room na 'yon kasama ang dalawang kaibigan ni JB. Gustuhin man naming makipagkwentuhan pa kila Jundee at Kufu ay hindi namin nagawa pa dahil hindi sapat ang oras para manatili pa doon. 20 minutes lang kasi ang nakalaan para sa recess namin. Nang matapos kumain ay agad rin kaming bumalik sa room namin.

As time passes by, mas nakilala pa namin sila Jundee at Kufu. No doubt, they're both nice and friendly. Hindi na ako magtataka pa kung bakit naging madali para kay JB na makasundo at maging malapit sa dalawa sa maikling panahon. Medyo mahiyain si Jundi kabaligtaran naman ni Kufu. Yah, like JB said. Medyo may pagkaloko si Kufu, he's funny and jolly person! But they're both good in acads naman daw sabi ni JB.

"How's our unica hija?" tanong ni Mom sa akin nang magdinner kami sa restaurant namin.

It's Sunday, so probably, it's family day!  After naming magsimba ng hapon ay dumiretso na kami dito sa restaurant. Ngayon na lang ulit kami nakapagbonding at nakakain dito dahil naging abala sila Dad at Mom these past few months dahil sa nalalapit na pagbubukas ng ikatlong branch ng restaurant na ito.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon