CHAPTER 25

114 3 2
                                    

CHAPTER 25

Kinabukasan ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng sasakyan ni JD. Yes, he has his own car. Nasa legal age na rin naman siya pero wala pa siyang lisensya kaya naman may kasama siyang driver nila. Katabi ko siya ngayon sa backseat, pareho kaming tahimik at nagpapakiramdaman.

Nagpaalam siya kay Dad na magkikita kami ngayong araw at gaya ng inaasahan ko ay pinayagan agad siya nito. Napagdesisyunan ko rin na pagbigyan ang kahilingan niya na makapag-usap kami ng personal tungkol sa panliligaw niya. Wala naman akong sinabi sa kaniya na pumayag na ako roon. Pero ang katotohanang kasama ko siya ngayon, alam ko na sa mga  oras na 'to ay inisiip niya na pumapayag na rin ako sa panliligaw niya.

Nakarating agad kami sa restaurant na pinagreserve-an niya. Malapit lang rin ito sa amin kaya siguro madali rin niyang napapayag si Dad. Binilinan lang siya nito na huwag kami magpapaabot ng gabi.

"Thank you sa paghatid Kuya Raul. I'll call you later kapag susundiin mo na kami." ani JD sa kanilang driver. Tinanguan naman siya nito at umalis na rin.

Pagkaupo pa lang namin sa pwesto na pinareserve niya ay agad kaming inasikaso ng waiter. Umorder kaagad si JD. I was about to say my order pero nagulat na lang ako ng pigilan ako ni JD.

Siya na ang nagbanggit ng order ko at nagulat lalo ako ng madiscover na alam niya ang favorite foods ko!
How did he knew that I like carbonara, steak, chicken fillet, fries and mango graham cake?!

"I know what you're thinking. I asked your Dad about your favorites." ngiti niya sa akin.

That smile. Bakit ganon? Feeling ko biggest asset niya yung pagngiti niya!
I can't avoid admiring his face. He's very good looking. I won't deny it. He has a brown eyes and the first time I saw it, it reminded me of JB's  dad. Hindi ko lang alam bakit hindi nakuha ni JB ang ganoong kulay ng mata sa daddy niya. Ewan ko ba, pero nagagandahan talaga ako sa biniyayaan ng brown eyes.

JD has a thick eye brow which is also I like. Kadalasan kapag makapal ang kilay ng lalaki o babae, ang unang impression na agad ay masungit o mataray. Iyon din ang akala ko, pero nagkamali ako roon. It's not about the looks. Hindi ganoon katangos ang ilong ni JD, moreno siya at may magandang hubog ng mukha. And when I look at his red lips, napatitig ako roon pero bigla rin akong napaiwas ng tingin.

"Huwag mo 'kong titigan. Baka mafall ka agad."  biglang sabi ni JD. I feel like his teasing me!

Did he saw me observing him?

Nakakahiya. Ka. Girl.

Yung totoo, Crissa. Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?

Umiwas na lang ako ng tingin at kinuha ko ang cellphone ko at nag-open ng Facebook habang naghihintay sa pagkain.

Nag-iiscroll ako sa newsfeed ng biglang magsalita si JD.

"Can we talk a picture, please?" nagpapacute na sabi niya.

Parang bata!

"Sure, isa lang ah."

"Make it two. Solo mo at yung magkasama tayo." hirit niya.

Wow, desisyon siya.

Nagpicture agad kaming dalawa, bali nakafront cam 'yon. Pagkatapos ay ako naman ang pinicture-an niya. Hindi ako komportable nung una kaya pilit lang ang ngiti ko. Medyo nahihiya pa.

"Smile, please."

Sinunod ko naman siya. Pagbigyan ko na.

"Cute. Kahit shy type." he whispered. Pero narinig ko 'yon!

Biglang namula ang pisngi ko.

Bolero, hmp.

Binalik ko ang tingin sa aking cellphone. Iooff ko na sana ang data ng biglang may magpop-up na notification sa Facebook.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon