CHAPTER 33

167 2 0
                                    

CHAPTER 33

Our final exam week came. Nairaos naman naming lahat iyon. Kahit hindi pa namin alam ang resulta no'n ay nagdecide kaming magcelebrate at mag-unwind. Halos ilang linggo rin kasing puro aral at review lang ang ginawa naming magkakaibigan. 

Sabay-sabay kaming pumunta sa napili naming lugar. Our original plan is to go to Intramuros but we eventually realized that it would be hassle for us to go there after our exam. Bukod sa medyo malayo para bumyahe ay pare-pareho kaming mga may hangover pa sa exam. May topak pa si Kufu dahil hindi raw siya satisfied sa mga sinagot niya sa exam. Nakabusangot lang tuloy siya at parang walang ganang sumama sa amin. Kung hindi lang siya pinilit ni Cyia ay hindi na naman kami kumpleto.

At the end, we decided to just go to Pinto Art Museum. Jhenine suggested it as an alternative choice if we can't go to Intramuros. 

"Isselah, kanina ka pa hindi mapakali dyan? May problema ba?" puna ni Jundee sa kanya nang papunta na kami sa parking lot. Nandoon kasi ang sasakyan ni Kufu na gagamitin namin.

Hindi na kami uuwi ng bahay dahil nagdala na kami ng extra na pamalit na susuotin namin. Hindi naman pwedeng nakauniform kami papunta sa museum!
"H-Hindi daw makakapunta si Jan Drew."

Napakurap ang mata ko roon.

"Oh? So what? Sino bang nagsabing kasama siya?" walang prenong sabi ni Kufu na busy ilagay ang mga bag namin sa likod ng sasakyan.

Napasapo ako sa noo ko. Nakita ko naman ang matalim na titig ni Cyia sa kanya.
Inirapan siya ni Isselah. "Ewan ko sayo, Kufu. Malamang kasama siya. Bawal ba? Kaibigan--"

"Okay, shut up na 'ko. Nagtatanong lang naman." tiklop na siya.

"Care to share bakit hindi daw siya makakasama?" usisa ni Jhenine na umupo na sa backseat, tinabihan siya ni Jundee. Kami ni si Isselah naman ang magkatabi. Si Kufu ang nagdadrive at nasa front seat si Cyia.

"M-masama daw ang pakiramdam. Dunno." kibit-balikat ng pinsan ko na nakatuon na ngayon ang mga mata sa cellphone, mukhang may katext na.

Akala ko ay didiretso na kami sa aming pupuntahan ngunit nagtaka ako nang tumigil ang sasakyan sa McDo. 

"Drive-thru?" tanong ko sa kanila.

Lumingon sa akin si Kufu. "Hindi ka ba nainform ni JB na sa kanya ka sasakay papunta sa museum? Nandyan siya sa parking, naghihintay na."

Nanlaki ang mata ko roon. What the hell? 

"Obviously, wala siyang alam Kufu." ani naman ni Cyia.

Lumabas siya ng kotse niya at sumunod naman ako doon. Magdadrive-thru rin kasi siya.

"Thanks, dude." iyon lang ang sinabi ni JB kay Kufu nang makarating kami sa parking lot. May dala siyang paper bag ng McDo, halatang kakaorder niya lang rin. Nagpaalam na rin si Kufu sa amin.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagsalita si JB. Halos malapit na rin kami sa museum na pupuntahan namin.

"Kumain ka muna para may energy ka mamaya. I bought your favorite fillet and fries. May carbonara at milktea din dyan sa kabilang paper bag." nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

Ginantihan ko siya ng ngiti. "Thank you."

Kung mayroon mang ugali na nanati kay JB at patuloy kong nagugustuhan sa kanya ay iyon 'yong pagiging caring at thoughtful niya hindi lang sa akin pero sa aming lahat na magkakaibigan. Though yes, aminado naman ako na kahit noon pa man ay may special treatment siya sa akin.

Minsan nga ay napapaisip ako sa iba kong kaibigan. If Cyia, Isselah or Jhenine like, admire or somehow have a crush on JB? I mean, he is everyone's ideal man! Imposibleng hindi magkagusto ang kaibigan ko sa kanya. Lalo na si Jhenine...na naging malapit na talaga sa kanya. I know her type at alam kong pasok si JB sa standard niya.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon