CHAPTER 34

181 3 1
                                        

CHAPTER 34

Winala ko muna sa isip ko ang sinabi sa akin ni Jan Drew. Pinigilan ko siyang sumama dahil masama pa ang pakiramdam niya pero nagpumilit talaga siya. Ako na ang nagdrive papunta sa hospital.

Nagtaka naman ako nang makarating doon dahil naalala ko na 'yong hospital na 'yon ay pareho lang rin sa hospital na pinagdalhan kay Tita Esmeralda. Pamilyar ang pangalan ng hospital sa akin dahil tandang-tanda ko pa ang nabasa kong pangalan ng pinagtatrabahuan ni Dra. Azalea, ang nag-alaga kay Tita noon at ang babaeng naabutan kong kasama ni JD sa condo.

"Dito ka lang sa sasakyan." mariing bilin ko kay JD.

Napapikit ako sa inis dahil sumunod rin siyang lumabas ng sasakyan. "I told you, sasama ako. Gusto ko ring malaman ang kalagayan ni JB!" medyo tumaas ang boses niya roon.

Hindi ko na siya pinansin pa at hinayaan na lang rin na sumunod. Kung ayaw niya magpapigil, edi huwag.

Nagmamadali akong dumiretso sa counter at tinanong doon kung nasaang room si JB.
"Room 107 po, Ma'am. Diretso lang po kayo dyan, kaliwang side." sagot ng nurse na nakaduty doon. Nagpasalamat ako at binilisan ang lakad papunta sa room na 'yon.

Halos mag-aalas nuwebe na at wala akong kamalay-malay kung anong oras dinala si JB dito. Nag-expect ako na nandito ang mga kaibigan ko at hindi naman ako nagkamali doon. Kaso nga lang ay nagtaka ako na wala ang pinsan ko na siyang nagbalita sa akin sa kung anong nangyari kay JB.

"Where is JB? Is he fine now?" nag-aalalang tanong ko kila Jundee at Kufu na nakaupo sa couch. Napansin ko naman na wala si JB doon sa kama. Baka nasa ibang room? Pero ang sabi ng nurse ay nandito siya!

"Kinukuhaan siya ng test sa kabilang room. He's okay. Buti hindi ganoon napuruhan. It was an accident." kwento ni Jundee. Medyo kumalma ako kahit papaano nang malaman 'yon.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Jhenine, kasunod niya si Cyia na may dalang paper bag na mukhang may lamang pagkain.

"Finally you're here! Kailangan pa palang maaksidente ni JB para intindihin mo siya no? He called you before the accident happened! Pero ano? Nasaan ka? Nasa ex-boyfriend mo? Ano nagkabalikan na ba kayo kaya balewala na naman si JB?" sarkastiko at sunod-sunod na panenermon ang bungad ni Jhenine sa akin. May bahid na galit ang tono niya.

Halos manghina ako nang marinig ko ang sinabi niya tungkol sa pagtawag ni JB sa akin. That was the reason behind those 10 missed called earlier!

I'm sorry, JB.

"JD is sick! He asked for my help! Mag isa lang siya. Look, I'm sorry okay? Wag na tayong magsisihan dito please lang Jhenine! Tsaka FYI, hindi kami nagkabalikan." sagot ko sa kanya. Pilit pinakakalma ang sarili.

"You know what, ayoko sanang makipag-away sayo eh. Bestfriend kita, pero that doesn't mean na hahayaan lang kitang gawin lahat ng 'to kay JB! Pareho nating alam dito na ikaw pa rin. Wag na tayong maglokohan dito!" frustrated na sigaw niya sa akin.

"What do you mean ako pa rin? You guys are together right? Sa mga kilos nyo pa lang!" sigaw ko rin sa kanya. Well, that's what I assumed.

I just can't believe it! Ito ang unang beses na nagsigawan kaming dalawa! Inawat na ni Jundee si Jhenine. Lumapit naman sila Kufu at Cyia sa akin para sabihing huwag nang patulan pa ang kaibigan namin.

"Everything was all planned! Pero pwede rin namang totohanin, right? Especially now, sa pambabalewala mo sa kanya! Isa na lang Crissa, baka..." napaiwas siya ng tingin, agad niya ring pinutol ang sasabihin.

"Isa na lang at ano? Ituloy mo Jhenine! I want to hear it! Tell me!" panghahamon ko sa kanya. May idea na ako pero gusto kong manggaling mismo sa bibig niya!

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon