CHAPTER 23

99 3 0
                                        

CHAPTER 23

"Uh, JB, Crissa exit muna kami ah. Usap muna kayo diyan." ani Jundee. Tinanguan siya ni JB. "Tara guys swimming na muna tayo!" anyaya niya sa mga kaibigan namin. "Kanina pa excited 'to si Kufu eh!"

"Ako pa talaga dinahilan mo!" ani Kufu na agad ring tumalon sa pool.

Naiwan kaming dalawa ni JB. Ang paningin ko ay tinuon sa mga kaibigan namin na masayang nagbibiruan at naglalaro ng batuhan bola sa swimming pool.

Napansin ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni JB sa akin, doon na ako napatingin sa kaniya.

"I'm sorry if you feel that way. Hindi ka dapat matakot o mathreatened sa kaniya."

"Hm. Pero ang magselos? Natural lang na maramdaman ko diba? I mean, he's a guy. Hindi malabong magkagusto 'yon sayo. Kufu's right." napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mukhang may karibal na ako sayo."

Napailing ako, hindi makapaniwalang naisip niya pa talaga 'yon. "Come on JB. Stop overthinking."

"I'm not. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa possibilities." seryosong aniya.

"Don't ever think that you would be replaced by him. It won't never happen." I assured him. "You will always be my first boy bestfriend. Walang makapapantay o hihigit sayo." I gave him a genuine smile.

I just realized that I couldn't blame him if he thought of those possibilities and if he felt that way. He still likes me, obviously. Bagay na noon pa man ay ayoko at pilit tinututulan ko, pero hindi ko kontrolado. Parang as time passes by, unti-unti ko ring natanggap ang katotohanang 'yon. Wala eh, his feelings are too strong. Gustuhin ko man na buwagin at mawala 'yon, hindi ko magawa dahil si JB mismo hirap na pigilan 'yon. The fact na magkaibigan kami at palaging magkasama, pakiramdam ko mas lumalala pa 'yon.

Nalulungkot at nasasaktan ako para kay JB, 'coz obviously, it's just one-sided. Iyon ang totoo. Parang ako na mismo yung nahihirapan sa sitwasyon niya, na para bang ako na yung humihiling na sana kumawala at mapagod na siya.

"JB! Crissa! Okey na kayo?" we heard Kufu shouting. Abala na sila lahat magswimming. "Come on! Let's swim here!"

Tumayo na ako. Pupunta na sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.  Tumayo na rin si JB nang mapansin ako.

"You sure you wanna swim? Malamig na." ani JB. It's already 2AM.

"It's okay. Mabilis lang. Baka magtampo sila." natatawang sabi ko pa. Knowing them. Especially Kufu, kapag hindi napagbigyan ang gusto, nagtatampo.

"Okay. I'll join you, then." aniya atsaka kami naglakad papunta sa swimming pool.

"Finally!" ani Kufu nang makapwesto na kami ni JB sa tabi nila. Pare-pareho na kaming mga nagtatampisaw sa tubig. "Guys dito na lang tayo maglaro! What do you think?"

"Seriously Kufu? Dito t-talaga?" ani Jundee, nilalamig na siya. "Ano namang lalaruin natin dito?"

"I don't know! Hey Jhenine! Ikaw mag-isip!" sigaw niya pa kay Jhenine.
Lumapit si Jhenine sa amin. "Huwag dito Kufu! After na lang magswimming! 2 truths and 1 lie tayo!"

Lahat kami ay nagsipagtanguan maliban sa pinsan ko na biglang sumulpot, kasama niya si Cyia. "Hala, huwag 'yon."

Pinagkunutan siya ng noo ni Jhenine. "Why? Bakit ayaw mo?"

"Isselah okey na 'yon. Para nga mas makilala pa natin ang isa't-isa." ani Cyia. Sa huli ay pumayag rin siya.

Lumangoy lang kami at saglit na naglaro ng batuhan bola. Umahon rin kami pagkatapos non dahil nilalamig na rin silang lahat maliban sa amin ni JB. Kanina pa kasi sila limang nakababad.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon