Chapter THREE

210 7 0
                                    

CHAPTER THREE

"I'm Jann Brix, JB for short. You are?" pagpapakilala niya sa akin.
Tumingin lang ako ng diretso sa mata niya. Thinking if I should also introduce myself to him. C'mon! Don't be rude self! Magpapakilala lang naman.

"Seems like you don't want to introduce your--" pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"I'm Kazzi Crissa. But you can call me KC if you want." nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kayang tagalan ang pakikipagtitigan sa kaniya. Hindi naman kami personal na magkakilala so that means he's still stranger for me kahit alam na namin ang pangalan ng isa't-isa!

Nginitian niya na naman ako. Gosh nakailang ngiti na ba siya sa akin? Hilig niya ba yon?

"Kazzi Crissa, nice name." pagcompliment niya sa pangalan ko.

"Anyway, magdidilim na. Saan ka umuuwi? Dito rin ba sa village?" sunod-sunod na tanong niya. Tumango lang ako. "Hatid na kita, delikado eh. Okey lang ba?" nagulat ako sa pag-iinsist niya.

"Uh, no...I mean no need."

"Sige na. Diyan rin naman way ng pupuntahan ko. So sabay na tayo." pagpupumilit niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang kulit niya ah! Is this his way of being friendly?

Tahimik lang kami habang naglalakad. Hindi kami nagkikibuan. Buti na lang dahil wala rin akong balak makipag-usap sa kaniya. Minsan ay nakikita ko sa gilid ng aking mata na tumitingin siya sa akin ngunit iniiwasang kong tumingin pabalik. Hindi lang talaga ako komportable sa kaniya. Natanaw ko na ang bahay namin kaya naman bago pa kami makalapit doon ay binasag ko na ang katahimikan. Ayoko lang na sa mismong tapat ng bahay niya ako ihatid. Baka makita pa kami ni Manang Lety or ni Dad. I don't like that idea.

"Uh...B-brix, I mean JB.." nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong itawag sa kaniya! "Ahm..dito na lang. Salamat sa paghatid. Pwede ka nang umalis." pagpapatuloy ko.

Tumingin siya sa bahay na nasa tapat namin. "So, dito ang bahay nyo?" pag-uusisa niya. Umiling agad ako. "No. Doon pa actually, sa may green na malaking gate." tinuro ko ang bahay namin na tatlong bahay pa ang pagitan simula sa kinatatayuan namin. Hanggang third floor iyon. Karamihan ng bahay sa village na ito ay hindi lang hanggang first floor. Yung iba pa nga ay ang lalawak at ang gagara. Ang sa amin naman ay sakto lamang ang laki ng lote. We bought this property when I was in elementary. We have three bedrooms and one office room for my Dad and Mom. May garahe para sa kotse ni Dad at garden naman sa likod dahil paborito ni Mom ang pagtatanim. We both love flowers.

Hindi na siya nagpumilit pa na ihatid ako sa mismong bahay namin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Umalis na rin siya agad. Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko na mag-isa lang si Manang Lety. She's cooking our dinner. I took a shower then I helped her to prepare our foods. Dumating naman kaagad sila Dad kaya nakapagdinner din kami ng sabay-sabay.

Today is Monday. This is the first day of the 2nd Quarter. Ang bilis ng panahon. As expected, pinakilala ng adviser namin ang bago naming kaklase. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay namilog na agad ang aking mata sa nakita. I'm not expecting this! What a coincidence...

Tumayo si Mam Duque, for this quarter siya ang magiging first subject namin. "Okay class, let me introduce to you, Jann Brix Diaz. He's from Manila." panimula ni Mam. Lahat kami ay tutok na tutok sa pakikinig sa kaniya.

Tumingin si JB sa paligid at nang dumapo ang kaniyang mata sa row namin nila Jhenine ay nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mata. Hindi na nakapagtataka. We had the same reaction!

"Crissa, ano nang balita kay Mildred? Hanggang ngayon ay absent pa rin ang katabi mo. What happened to him? Siya lang ang hindi nakapag-exam sa inyo." tanong niya, malungkot ang tono niya. Nangapa ako ng sasabihin. "Uh, Mam... Ang alam ko po ay...may sakit pa rin po siya hanggang ngayon. Pero magtetake siya ng special exam...if you allow him po." may pag-aalinlangang sagot ko.

'Til I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon