30

171 7 0
                                    


-Last day in Seoul-

Last day namin ng sa Seoul. Ibig sabihin last day na din nung seminar namin at may presentation na kami. Ako na gumawa ng presentation namin. Tinulungan ako ni Xander kahit wala siyang masyadong alam sa mga pinagagawa ko. Gumawa din ako ng poster para sa application namin. Parang nagthethesis lang kami.

Alam na ng mga pinsan ko na kasama ko si Xander kasi sinabi ko. Nagkataon din na habang nagskskype kami ay nakikita nila si Xander sa kwarto ko. Sa sandaling panahon namin ay hindi ko nararamdaman ang gutom. Kasi naman laging may dalang food si Xander. Hindi naman kami makaalis sa hotel kasi kailangan kong tapusin yung presentation namin.

Papunta kami ngayon ng team sa convention hall. Dala ni sir trevor ang laptop na gagamitin namin para sa presentation.

Nang dumating ang tanghali ay nagsimula na magpresent isa isa. Dahil ako ang gumawa ng presentation, si mam Alice na ang nagpresent sa harapan. Natapos lahat ng mga nagprepresent mga gabi na din. Ang dami kasi namin mula sa iba't ibang bansa.

"Balik Manila nanaman bukas!" Sabi ni sir Trevor.

"Oo nga ehh! Tara mag Myeongdong tayo mamaya! O di kaya Hongdae!" Sabi ni mam Gwen.

"Sasama ka ba?" Tanong sakin ni sir Trevor.

Umiling ako bago nagsalita, "hindi na po. May kasama po kasi ako gumala mamaya ehh." Sabi ko.

"May date pa!" Sabi ni mam Alice.

Nginitian ko nalang sila at hindi kumibo. Sinundo ako ni Xander at pumunta kami sa mga mall sa itaewon kahit medyo late na nun. Bumili ako ng dress at shoes doon. Sa Itaewon madami kang makikitang mall. Nagkalat nga sila ehh. Pero dun ako sa mall na mura lang ang lahat. Dun kasi sa katabing mall nun feeling ko malulula ako sa sobrang mahal. Grabe ayoko bumili ng isang damit na worth 5k. Sa 5k na yun madami ka ng mabibiling jacket sa Namdaemun Market.

"Ang dami mo naman pinamili?" Sabi ni Xander.

"Para sa mga pinsan ko at dun sa tatlo. Kay Yannie, Mae at Anne." Sabi ko.

"Pano mo ibibigay to?"

"Malamang iaabot ko."

"Pupunta ka ng Manila?"

"Oo, bakit?" Pagtatakang tanong ko.

"Wala naman."

"Kala ko naman kung ano." Nagkibit balikat nalang ako at nagtitingin tingin pa. Pumunta ako dun sa isa pang mall at tumingin tingin ng dress. Madami akong gustong bilhin pero syempre kailangan ko magtipid.

"Gusto mo?" Sabi ni Xander.

"No, tara na.." Pagsisinungaling ko.

Habang hinahanap ko yung palabas ng mall ay nakita ko ang brand na MCM. Dati ko ng pinapangarap makabili sa MCM, may fake ako nun pero syempre iba pa din yung totoo.

"Uhmm.. How much?" Sabi ko dun sa kulay itim na bag yung malaking size ng backpack yung tinuturo ko.

"That?" Sabi nung babae. Tumango naman ako at nakita ko na kumuha siya ng calculator. Pinakita niya sakin ito at nakatype ay 550,000 won.

"Okay. I'll be back." Sabi ko at ngumiti sa babae at hinila paalis si Xander.

25,000 pesos para sa isang bag? Takte yan! Ilang cellphone na din ang mabibili ko sa isang bag!

"Gusto mo ba nun?" Sabi ni Xander habang naglalakad kami.

"Ha?"

"Sabi ko, gusto mo ba nun?"

Umiling ako bago magsalita, "hindi.. Nacurious lang ako sa price sabi kasi mahal daw ehh. Mahal lala talaga!" Sabi ko at tumawa.

"Tara! Kumain nalang tayo." Sabi niya sakin at pumunta kami sa isang restaurant. Nagorder siya ng pagkain. Tinanong niya ako kung anong akin pero ang sinabi ko kung ano nalang kanya yun nalang bibilhin ko. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ng hotel. Napapagod na din kasi ako maglakad ng maglakad.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon