26

210 6 0
                                    

Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon. Naging mabilis ang lahat. Isang linggo nalang at graduation na. Dalawang linggo nalang ay pupunta na ako ng Cebu. Mauuna kami ni Yannie grumaduate kila Anne at Mae kaya nangako ako sa kanila na pupunta din ako sa graduation nila. Hindi pa ako nakakagraduate ay may kumukuha na sakin sa Cebu. Hindi ko pa sinasabi kay Luke na pupunta ako ng Cebu kasi ayaw kong malaman niya. Busy siya sa companya nila. Minsanan nalang kami magkita.

"Waah! Ang bilis ng araw! Gagraduate na tayo!!" Sabi ni Yannie ng masaya. Ngumiti nalang ako sa kanya. Sa isang taon na hindi ko pa din nakikita si Xander ay nakapagdecide ako. Sasabihin ko sa kanya lahat lahat. Bago ako umalis iiwan ko na lahat dito sa Manila ang mga bagay na kailangan kong iwan.

"Kriiiing~"

Tinignan ko ang phone ko kung sino ang tumatawag.

"Luke? Bakit?" Sabi ko sa kanya.

"Susunduin kita ah."

"Okay. May sasabihin pala ako sayo mamaya.."

"Nakakatakot naman yan.." Sabi niya sakin. "Sige na baba ko muna to. See you later!" Dugtong niya at pinutol na ang linya.

Madami akong aasikasuhing requirements ngayon. Madami pang kailangan gawin. Alam na ni Luke ang schedule ko parang naging driver ko na nga siya eh. Gustong gusto niya kasi ako hinahatid sundo.

Nakakausap ko pa din sila Clowie at Tita Lorraine pagpumupunta sila sa bahay. Hindi ako pumupunta pag iniimbitahan nila ako pumunta sa kanila. Nagtatampo nga sakin si Clowie eh kasi sabi niya hindi ako pumunta nung birthday niya at sa kuya niya. Ilang beses ako humingi ng tawad sadyang hindi ko lang masabi sa kanila ang rason kung bakit.

Nung hapon ay sinundo ako ni Luke kumain kami sa isang Korean Restaurant para magdinner na.

"Kamusta? San ka magaapply nyan?" Sabi niya sakin. Naging close kami ni Luke at nililigawan niya pa din ako.

"Hindi ko pa alam eh." Pagsisinungaling ko.

"Luke.." Sabi ko at tinignan ko siya. Pano ko ba sasabihin? Na gusto kong maghanap na siya ng iba? Na wag na siyang umasa sakin? Pano ko sasabihin ng hindi ko siya masasaktan.

"Gusto mo na bang lumayo ako sayo?" Sabi niya sakin. Tinignan ko siya at seryoso siyang nakatingin sakin. Hindi ako nakasalita.

Ngumiti siya sakin bago nagsalita. Diretso lang ang tingin ko sa kanya.

"Ayos lang.. Kasi diba.. Binigyan mo naman ako ng pagkakataon.. Whoo.. Pero isipin ko pa lang nalalayuan kita masakit na.." Sabi niya sakin. Ang lakas ng kirot ng puso ko. Nasasaktan ako para kay Luke. Napapikit ako at hindi mapigilan na lumabas ang luha sa mata ko.

"Masakit, 'di dahil 'di mo ko mahal ngunit dahil di mo ko sinubukang mahalin. Na kahit magkasama tayo. Alam kong pinipilit mo lang maging masaya kasi naawa ka sakin. Na kaya ka pumayag manligaw kasi naawa ka sakin. Masakit, di dahil alam kong mahal mo siya kundi dahil alam kong kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo, kaibigan lang talaga ako sayo."

"Luke.. Sorry.. Pero mali ka! Sinubukan ko.. Pero mahirap.. Mahirap pilitin ang puso na magmahal ng iba kung sa una palang alam na nito kung sino ang gusto niya.." Sabi ko at tinuro ang puso ko habang umiiyak. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ni Luke na hindi ko sinubukan.

"Kasi nga siya lang naman nandyan sa puso mo kahit ako ang laging nandito para sayo." Pumikit ako para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo.

"Mahal kita, Jam.. Pero kahit mahal kita.. Alam kong hindi sapat kasi hindi ako yung mahal mo.. Willing ako maging kaibigan mo lang, kung yun ang gusto mo.. Para lang kahit kaibigan may parte pa din ako dyan sa buhay mo. Kasama pa din ako.. Kaya wag kang lalayo.. Please?" Sabi niya sakin.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon