Nagising ako sa isang malakas na sigaw galing kay Clowie. Sarado pa ang pintuan ko ay rinig na rinig ko na siya. Mabigat pa ang aking mga mata at hirap akong imulat ito. Antok pa ako talaga.
"Ate Riaaaaa! Gising na! 6:40 naaa!" Sabay katok ni Clowie sa aking pintuan. Natauhan ako sa sinabi niya at dali dali akong lumabas ng kwarto at pumasok doon sa may CR. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko kunin yung dami ko sa kwarto bago ako maligo. Kaya nagtapis muna ako at dali dali akong lumabas bago may makakita sakin. Pagkapasok ko ay nanlaki ang mata ko. Xander at si Clowie. Naginit ang aking pisnge..
"Waaaaaaaah! Labas labas labas!!!" Pagsisigaw ko at tinulak ko sila palabas.
"Waaaaah!" Isa pang sigaw ko bago ko natuluyan silang mapalabas. Takte naman oh!!
Binilisan ko ang bibihis ko at nagskinny jeans lang ako na kulay puti tapos nag sweater na strips na kulay puti at blue. Pagkabukas ko ng pinto ay buti nalang at wala na si Xander. Si Clowie nalang na medyo na tatawa pa.
Tinignan ko siya ng masama at tumigil siya.
"Sorry ate Ria. Tara na?" Sabi niya sakin at tumango ako. Hindi ko na pinatuyo ang aking buhok at habang bumababa ng hagdan ay nagaayos ako ng buhok. May tigdalawan at isahan ang mini bus. Magkatabi kami ni Clowie samantalang si Mama at Tita Lorraine ang magkasama.
Susunduin pa daw muna namin sila Ate Coreen bago kami pumunta sa Airport. Katext ko naman ang pinsan kong si Ciara na malapit na ang flight.
Ciara : finally! Makikilala ko na yang xander na yan. Kaso pano na si Luke?
Sa text niya ay naalala ko sila Yannie, Mae at Anne na may kanya kanyang team pa na ginawa.
Ako : Ewan ko sayo! Kung ano ano pinagsasabi mo!
Ako ang nakapwesto malapit sa bintana si Clowie naman ang nasa gilid ko. Tahimik ako at inaantok sa byahe kaya umiglip muna ako.
Nagising ako ng nakarating na kami kila ate Coreen at nakasakay na sila. Nakahiga ako sa braso ni.. Nilingon ko ito at nakita ko si..
"xander?!" Sabi ko at nawala ang tulog ko dun. Ngumisi pa si Ate Coreen at naginit naman ang pisnge ko. Tingin ko ay pulang pula na ang mukha ko.
"Tignan mo oh! Ang cute niyong dalawa!" Sabi ni ate Coreen.
"Ha??" Tignan ko sila na lahat nakatingin sakin. Tawa lang sila ng tawa. Ako naman ay hindi mapakali.
"Ate Coreen naman ehhh.." Sabi ko.
"Oh, wag kang iiyak!" Pangaasar naman ni Ate Coreen.
"Ewan ko sainyo. Dito ka na nga Clowie." Sabi ni Xander at umalis siya dun. Tumabi naman sakin si Clowie ng nakangisi. Pumunta kami agad sa Airport at nanatili akong gising magdamag papunta dun sa Airport.
Nagtext ang pinsan ko na kinukuha nalang nila ang bagahe. Lumabas ako ng mini Bus at hinantay silang makalabas.
"Riaaaa!" Sigaw ni Ciara at Fionna
"Parang ngayon lang nagkita.." Sabi ni Cj
"Tsss. Ewan ko sayo!" Sabay na sinabi ng dalawa. Hinug nila ako at nagmano ako sa mga tito't tita ko. Habang papunta sa mini bus ay kinukulit ako ni Ciara at Fionna kaya naman pala si Hyper kasi gusto nila makita ang nagiisang Xander De La Vega. Tss
Pagkaakyat namin ay tinanong nila ako.
"Yan ba si Xander yung naka itim na polo." Sabi ni Ciara ng pabulong. Tumango nalang ako at umupo dun sa pwesto namin ni Clowie. Pinakilala isa isa ni Mama ang mga pinsan ko at mga Tito't Tita ko kila Tita Lorraine.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Ficção AdolescenteSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...