12

222 5 0
                                    


Nagbihis muna ako bago natulog at nagpahinga. Pagkagising ko ay wala na si Xander dun sa sofa kaya bumaba muna ako. Mga 11am na nun pero tahimik pa din ang bahay. Siguro tulog pa ang lahat. Papunta ako sa may garden ng may narinig akong dalawang naguusap. Nasa parang swing sila na upuan. Kita kasi dun sa glass na sliding na pintuan. Pero dahil bukas ng bahagya un ay maririnig mo sila.

"Xander.. Gusto mo pa ba ako?" Sabi ng babae. Nagtago ako sa loob ng bahay. At umupo ako sa sahig at sumandal sa wall para marinig ko sila. Alam kong si Ericka ang nagsasalita.

"Pano kung sabihin kong Oo ano gagawin mo?" Sabi naman ni Xander.

"Edi kung oo. Hiwalayan mo na si Jam." Paguutos ni Ericka kay Xander.

"Inuutusan mo ba akong saktan ko si Jam para sayo?"

"Bakit mas gugustuhin mong ako ung masaktan kesa kay Jam?"

"Mahal pa rin kita Xander." Sabi ni Ericka. Unti unti akong sumilip sa kanila at nakita ko na malapit na malapit na ang kanilang mukha. Pumikit ako ng nakita ko silang nagkiss. Sumakit ung dibdib ko. Kumurot ng parang pinipiga at sa sobrang sakit biglang tumulo ang luha ko. Ito na siguro ang huling makakasama ko si Xander. Diba dapat maging masaya ako?

"Masamang nag i-eavesdrop alam mo ba un?" Bigla akong napatayo at napapunas sa pisnge kong may luha.

"Luke.. Ikaw pala yan.. Nakakagulat ka naman ehh.. Hindi ko naman sinasadyang makinig.." Sabi ko. Bigla siya lumapit sakin at nilagay niya ang kamay niya sa batok ko at nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Napatulala ako sa ginawa niya.

"Ayos lang yan.. Masakit ba?" Sabi niya sakin.

"Hindi naman dapat ehh.."

"Alam kong nagpapanggap lang kayo.." Bulong niya sakin. Kaya bigla akong napatingin sa kanya. Kaso mali ata ung kinilos ko kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Pano mo nalaman?" Sabi ko ng pabulong lang din. Nakatingin ako sa mata niya.

"Sinabi sakin ni Xander." Sabi ni Luke.

Biglang may humawak sa braso ko at agad ko itong nilingon nakita ko na si Xander pala un at nasa likod niya si Ericka. Sila na ba ulit? Nagkiss nga sila diba. Ibig sabihin sila na ulit. Mali nanaman ba ako nagustuhan. Like palang naman to diba? Hindi pa love. Madali pa tong alisin katulad ng pagkakagusto ko dati kag Kuya Austin. Unti unti ko din matatanggap na sila talaga ni Ericka ang magkakatuluyan sa isa't isa.

Seryoso ang mukha ni Xander pero hindi na siya nagsalita. Nagkatinginan lang kami at biglang sumigaw si John.

"Guys! Tara kumain na tayo!!" Sigaw ni John galing sa kusina. Inalis ko ang hawak ni Xander sa braso ko at pinilit kong ngumiti.

"Uhmm.. Tara na!" Masigla kong sinabi sa kanya at dumiretso na ako sa kusina.

Umupo ako sa mahabang lamesa ni John sa medyo gitna ng lamesa ako umupo at tumabi sa right side ko si Xander tapos sa left ko naman si Luke sa harapan ko si Teddy nakaupo katabi ni Xander si Ericka at si Luke naman ang katabi ay si John. Magkatabi sa harapan ko si Trisha at Lyka. Tumabi naman si Janica kay Ericka. Nagtatawanan pa sila habang naguusap. Hindi ko nalang sila pinansin.

Habang nagsasalita si Trisha ay nilalagyan ng pagkain ni Xander ang aking plato. Pinigilan ko siya pero nilagay niya pa din medyo madaming kanin ang nilagay niya at naglagay siya ng inihaw na bangus at barbecue at iba iba pang ulam. Kukuha sana ako ng hipon kaso pinigilan niya ako.

"Bawal ka dyan.." Napatingin lang ako sa kanya na parang nagtatanong. Bakit? Bakit ako bawal dyan? "Diba may allergy sa ganyan??" Dugtong niya. Pano niya nalaman? Hindi na ako umimik at kinuha niya na ung hipon. Sayang mukha pa namang masarap! Kumakain naman ako nun kaso pagsobrang na sobrahan minsan namamantal ako. Pero pag kumain ako ng unti nangangati naman ako. Hindi ko alam kung bakit. Nung bata pa naman ako hindi naman ako ganto.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon