14

194 5 0
                                    


Sasama na ako kila Yannie sa Christmas party na sinasabi nila. Kaya nung binalita ko sa kanila un ay tuwang tuwa sila. Kasi syempre kumpleto kami. Nagulat nga ako eh pinayagan ako ni Mama. Kahit swimming un. Sa bagay malapit lang naman ang Bosay samin.

"Jam, dalin mo na ung kotse mo ah. Ingat kayo dun. Paluto ka nalang din kay manang baka magkulang ung food niyo dun." Sabi ni Mama.

"Okay po ma. Bye ma. Ingat po!" Sabi ko. Papunta na kasi ng work si Mama. Abala ako sa pagaayos ng gamit ko ngayon para sa swimming namin mamaya.

Ilang saglit pa ay pumunta na ako ng santolan kung saan ko susunduin ung iba.

"Yannie, puro babae lang isasabay ko ahh." Sabi ko kay Yannie sa telepono habang nagdadrive ako.

"Yup! Sige sige kila Jere at kay kuya Austin."

"TEKA! KASAMA SI KUYA AUSTIN?!"

"Aray naman Jam! Wag ka naman sumigaw. Oo kasama siya. Sige na bye na nagdadrive ka pa. Ingat!" Sabay ngisi niya at binaba niya agad ung phone niya bago ako makapagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang naging reaksyon ko pero parang ayaw ko na sumama. Kasi naman bakit kailangan kasama pa si Kuya Austin akala ko ba batch lang namin andun. Ang dami dami na namin eh. Mga 30 siguro kami. Grabe talaga!

Kakaisip ko ay hindi ko na namalayan na malapit na pala ako sa santolan.

"Jam! Dapat hindi ka na nagdala ng sasakyan.." sabi ni Kuya Austin ng magkita kami.

"Eh kuya sabi din naman ni Mama na magdala na ako ehh.." madami akong gustong tanungin kay kuya Austin kaso baka masamain niya. Baka sabihin niya pa na ayaw ko siyang kasama. Kaya nanahimik nalang ako.

Mga 10am ay papunta na kami sa Bosay. Sumabay sakin si Yannie, Anne, Sandy, Mae at Rennie. Pinilit pa ako ni Kuya Austin na siya na magdrive ng sasakyan ko at ipapadrive niya nalang ung sasakyan niya sa kaklase kong marunong magdrive. Pero syempre umayaw ako.

Nakarating na kami sa Resort mga 11:00am kasi traffic din. Pagkarating namin dun ay kumuha agad sila ng malaking cottage para saamin. Kasya na kami sa family cottage kaya dun nalang kami. Tsaka may pang karaoke pa dun.

Niyaya ako nila Kuya Austin magswimming pero pinili ko magstay sa cottage para tulungan sila Yannie magluto. Hinila si Kuya Austin ng mga kaklase para sumama sa kanila magswimming. Umiling nalang ako. Pagkaalis nila ay naupo ako sa cottage at hindi ko maiwasang isipin pa din ung nanyare ng gabing un. Sabihin niya saking miss niya na ako pero wala siyang ginawa pagkatapos nun. Pagkatapos din nun hindi na kami nagkita at pagkatapos nun hindi din nagpakita sakin si Luke. Nagkakatext kami un lang pinagkaiba. Madalas ko ng katext si Luke. Minsan tumatawag din siya at sinasabi niya kung gano sila kabusy sa school. Gusto niya daw sana ako sunduin sa school namin kaso wala daw siyang time pa kaya babawi siya. Sabi ko naman bakit kailangan niya pa bumawi eh wala lang naman sakin un. Lagi kong iniisip si Xander. Ewan ko bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa isipan ko.

"Gising!" Sabi sakin ni Yannie.

"Alam mo simula ng nakarating tayo dito kanina ka pa tahimik. Nakatulala. Ay hindi lang pala ng nakarating tayo. This past few days parang wala ka sa sarili mo. Ayos ka lang ba?" Nasa cottage kami ni Yannie habang ung iba nagswiswimming na. Kaming apat ang nagabala sa food pero ako nakatulala.

"Ayos lang ako." Sabi at ngumiti.

"Sabihin mo samin yang problema mo pag ayos na sayong sabihin samin ha. Lagi lang kami andito ah." Sabi ni Anne.

"True!" Sabi naman ni Mae.

"Gusto mo kumanta?" Sabi ni Yannie. Sabay abot sakin ng mic na ang nakaplay sa screen ay Tadhana. Inabot ko ang mic at sinimulan katahin. Alam nila na ito ang gusto kong song ngayon.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon