Pagkatapos ng game nila Xander. May inabot nanaman sakin si Xander. Pleated lace flare dress ang ganda lang. Tapos may inabot nanaman siya isang bag na may laman na kulay itim na pumps."Anong gagawin ko dito?" Sabi ko. Ayokong sinasanay ako sa isang bagay na pansamantala lang. Itong lahat ng binigay niya ay ibabalik ko sa kanya pagkatapos nito.
"Malamang susuotin mo." Sabi niya. Ito susuotin ko sa party ni Ericka. Hindi ko magkakaila na maganda ung damit.
"Magbihis ka na." Sabi niya sakin nung nasa bahay na kami nila Luke. Mamaya pa kasing gabi ung party. Pero dahil 4pm na magbihis na daw. Binigyan niya din ako ng pangmake up. Sa totoo lang di talaga ako marunong magmake up.
Sinuot ko ung dress na binigay niya at saktong sakto sakin. Pano niya nalaman ung size ko? Pati sa shoes alam niya. Wow ahh! Tumangkad ako sa suot kasi ang taas ng shoes na suot ko. Sana hindi ako matapilok nito. Nakasuot pa din ung necklace na binigay niya nun sakin at kinuha ko ung pangkulot na hiniram ko sa kapatid ni Luke tapos kinulot ko ung hair ko. Ang laki ng CR nila Luke kahit nasa baba lang ung CR na un. Naglagay ako ng konting konting make up tapos lumabas na agad ako. 1 hour na pala ako sa banyo. Hindi ko napansin. Nakita ko nalang ung mga kaibigan nila Xander sa sala. Binati nila ako at ngumiti nalang ako. Sabi nila ang ganda ko raw kaya nahiya ako sa sinabi nila.
Naglahad ng kamay si Xander na nakangiti. "Mas gwapo talaga pagnakangiti." Pabulong kong sinabi.
"Ano?" Sabi niya ng nakangisi.
"Ha? Anong ano?" Patawa kong sinabi.
"Haha tara na nga!" Sabi ni Xander.
Pumunta kami sa isang bar sa the fort hindi ko napansin ung pangalan ng bar kasi masyado ako nagfocus sa KPub matagal ko na din gustong puntahan un kaso wala akong panahon. Ngayon lang din naman pinayagan ni Mama sa mga ganto. Hindi pa syempre kasama ung nanunuod kami ng gig ni Kuya Austin. Iba kasi to ehh. Kantahan lang dun banda. May mga umiinom at nagsmosmoke kaso may mga oras na hindi loud ung sounds. Nagiging loud lang ito pag sila kuya Austin na ang magpeperform.
Nakahawak ako sa braso ni Xander papasok ng bar mainggay at mausok sa loob. Pagkapasok mo palang ay maririnig mo na agad ang sigawan ng matao na sumasabay sa tugtog ng DJ.
"Hi, jam!" Sabi ni Ericka nung nakita niya kami. Sabay bumeso sakin. Naka fitted na dress na itim tapos na sleeveless tapos nakapumps siya na red.
"Hi! Happy birthday!" Nakangiti kong sinabi. Sabay tingin ko kay Xander.Ngumiti lang sa kanya si Xander at umakbay naman sakin si Xander. Siniko si Xander para ipahiwatig na batiin niya din si Ericka.
"Happy birthday din!" Sabi ni Xander. Pagkatapos nun ay umupo na kami sa isang coach dun kung nasaan din ang ibang kaibigan nila.
"Magjuice ka lang" bulong sakin ni Xander. Umiling ako at kinunot naman niya ang noo niya.
"Xander, sinama sama mo ako dito tapos papainumin mo lang ako ng juice" sabi ko na pabulong din.
"Di ka sanay sa mga ganto" sabi niya ng pabulong din.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ang mga kaibigan niya samin. "Whooo! May mga kasama kayo" sabi ni Patrick ata pangalan. Nakalimutan ko na ung mga names nila sa sobrang dami!
"Stop PDA. Please lang!" Sabi ng isa sa kaibigan ni Ericka.
"Basta Xander iinom ako. Please kahit light drinks lang di naman ako maglalasing eh" sabi ko.
"Okay basta control ah! Lagot ako kay Tita ehh" sabi niya.
Uminom ako ng iba't ibang kulay na drinks. Hindi ko alam kung anong tawag may halong vodka at juice daw un. Nakakapang limang shot na ako ng pinatigil ako ni Xander.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...